INALMAHAN ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang isang Facebook page na gumagamit sa kanya at nagpapakalat ng fake news.
Isang artcard kasi ngayon ang kumakalat sa social media kung saan sinasabing may mensahe raw siya sa mga taong masusuwerte sa biyenan.
“Kaway-kaway sa mga swerte sa biyenan! Hindi man sweet sa social media, pero mabait, concern sayo at sa mga bata, di sinusulsulan ang mga anak nilang lalake, at mahal ka rin na parang totoong anak niya,” ayon sa artcard na may pangalan at larawan ni Marian.
Agad namang nakarating sa aktres ang naturang post at sinabing walang katotohanan na sa kanya ito nanggaling.
“Hindi ko to sinasabi bakit ba may mga taong hilig mag edit!!!” saad ni Marian sa kanyang Facebook post.
Dagdag pa niya, “nakakarami na po kayo. tama na!”
Marami roin naman sa mga netizens ang nag-react at sinabing imposible rin na magsalita ng ganoon si Marian.
May ilan pa nga na nagplanong i-report ang page para hindi na ito makapagkalat pa ng maling balita.
“nd mkatarungan mga gngwa nila, nkakasira ng may relasyon, o paghanga sa mga iniidolo, dpat nyan pinaparusahan, nsasanay, at tsaka baka gawin dn sa iba,” saad ng isang netizen sa post ni Marian.
Comment naman ng isa, “true po,ginagawan ng issue mga tao para inisin mga sarili nila haha.”
“akala ko nga talaga totoong account to kasi may blue badge check,sana tumigil na yan sila mga pa fame,” sey naman ng isa.
Marahil ay nagsalita na rin si Marian dahil may mga netizens na nagbabanggit kay Annabelle Rama sa naturang post at maaaring ayaw niya ring umabot sa puntong magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng pamilya ng dati niyang katambal na si Richard Gutierrez.
Hindi naman ito ang unang beses na na-call out ang naturang page sa pagpapakalat ng maling balita. Nauna nang i-callout ng social media personality na si Antonette Gail ang naturang page.