NAPA-THROWBACK ang Kapuso singer-comedienne na si Kakai Bautista sa naging buhay ng kanilang pamilya ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang komedyana ng isang video kung saan mapapanood ang kanyang pagbirit sa mga kanta nina Whitney Houston at Celine Dion.
Chika ni Kakai, ang mga nasabing kanta raw ang ipinanglalaban niya noon sa mga amateur singing contest sa kagustuhang manalo ng cash prize.
Simulang hugot ni Kakai sa kanyang caption, “Paano mo Narealize na Mahirap kayo nung bata ka?”
Baka Bet Mo: Kakai: Marami nang nag-betray sa akin pero wala namang pa-screen grab!
Sagot niya sa kanyang tanong, “Kailangan kong huminto ng 1 year sa highschool at para di masayang ang oras ko sa tambay, tinuloy ko pagsali sa amateur singing contests.
“Ilan to sa mga kantang pinanglalaban ko ala-alang sa 500 pesos at isang sakong bigas,” pagbabalik-tanaw ng komedyana.
Pagpapatuloy pa ni Kakai, “Minsan lang din ako manalo pero atleast may pang ambag ako sa baon ng mga kapatid ko at sa pangkain.
“Thank you Lord for the gift of Resilience.
“San kaya ako pwede sumali pa?” ang sabi pa ni Kakai sa caption ng kanyang IG video.
Marami namang netizens ang naka-relate sa ibinahaging kuwento ni Kakai. Narito ang ilan sa mga comments ng kanyang IG followers.
Baka Bet Mo: Kakai saksi sa sobrang ka-sweetan nina Donny at Belle: ‘Gusto ko silang itulak, chareng! Sana all!’
“Don tayo sa microphone bes, winner. Love you @ilovekaye.”
“Wala png microphone yan pero ang tinig! omg! apakagaling!”
“Yung sapatos ko nakatawa pero ako umiiyak. Yung medyas ko butas at dahil mahaba, inuurong ko lang para di halata hanggang di na maitago. Yung uniform ko naman pinag lumaan na ng pinsan ko.”
“Kaya nga po di kayo pinapabayaan ng panginoon kasi di kayo nakakalimot kung saan kayo nanggaling at kung anu yung mga pinagdaanan niyo.”
“Ate Kakai, sali ka po sa TNT sa Showtime pati sa The Voice Adult Version pwede din sa bagong singing contest sa GMA. Galing niyo po kumanta at umarte.”
“I like you ikaw ung totoong fren ni maja na khit may mga past siya na bf eh d nakikisawsaw s break ups ng kaibigan. Keep it up.”
“Narealize kong mahirap kami non dahil yung 50 pesos kong baon sa pamasahe lang napunta wala pa yung mga paxerox at mga project. Kaya pag uwian from school UN Taft naglalakad ako hanggang San Andres kahit tirik araw at mabigat bitbit. kahit hanggang college mula Central station lakad pauwi para may pambayad sa mga need sa school at pangkain pa.”