Atak abswelto sa kasong ‘acts of lasciviousness’ na isinampa ng bellboy

Atak abswelto sa kasong 'acts of lasciviousness' na isinampa ng bellboy

Atak Araña

ABSWELTO ang stand-up comedian na si Atak Araña sa kasong sexual harassment na isinampa sa kanya ng empleyado sa isang casino.

Nangyari ang ibinibintang na kaso kay Atak o Ronnie Araña sa tunay na buhay, noong 2017 nang umano’y halikan at dakmain niya umano si Mark Christian Macavinta, bellboy assistant sa isang casino and hotel resort sa Parañaque City.

Ibinalita ng komedyante sa kanyang Facebook account nitong Lunes, February 5, na acquitted nga siya sa kasong acts of lasciviousness sa Court of Appeals.


Todo-pasalamat si Atak kay Lord at sa kanyang abogado sa pagkaabsuwelto niya sa kaso, “Gusto ko magpasalamat sa lahat ng tumolong sa akin after 7 years akung lumaban sa kaso at ngayon panalo po ako.

Baka Bet Mo: Vhong pinanindigan na walang kasalanan: Parang ako pa yung nababaligtad…alam ng Panginoon na nagsasabi ako ng totoo

“MARAMING salamat Atty. Maggie dahil Hindi mo po ako pinabayaan. Napaka professional nyo po at nilaban mo ang aking karapatan at ang katutuhanan kaya nanalo po tayo (praying hands emoji),” mensahe pa ni Atak.

Ang tinutukoy ng stand up comedian ay si Atty. Maggie Garduque, na siya ring may hawak sa kaso ng TAPE Incorporated laban kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Dagdag pang shoutout ni Atak, “MARAMING salamat din po kay Ate Nadia Montenegro Pla sa pag recommend sa akin kay ATTY Maggie, salamat ate sa suporta, maraming salamat po Ai Ai De Las Alas sa supporta at advice sa akin. Sa mga totoong friends ko Hindi kuna kayo isaisahin pa.

“Sa aking Manager Kay Tita June Rufino MARAMING salamat Dahil Nandyan po kayo sa likod ko lagi.

“LORD GOD MARAMING SALAMAT PO SA VICTORY! ALL PRAISES BELONGS TO YOU! #actoflasciviousness #TheTruthWillSetUsFree #GloryToGod,” sabi pa ni Atak.

Matatandaang inakusahan ni Mark si Atak ng pangmomolestiya nang samahan niya itong mag-check in ng mga gamit sa kanyang free hotel room.


Nang makatakas daw siya ay agad siyang nagsumbong sa security ng hotel hanggang sa maaresto nga si Atak ng  mga operatiba ng Parañaque Police dahil sa acts of lasciviousness case na isinampa ni Mark.

Baka Bet Mo: 2 kasong isinampa laban kay Jomari Yllana ng dating dyowa ibinasura

Pinabulaanan naman ni Atak ang mga akusasyon ng bellboy at sinabing agad siyang nagpunta sa casino ng hotel matapos ipasok ang mga gamit sa kanyang kuwarto.

“Hindi ko po ginawa sa kanya yun dahil alam kong mali yun. Malinis ang kunsensiya ko, e. Hindi naman tulog ang Diyos at alam ko na the truth shall prevail,” ani Atak.

Narito naman ang statement ng abogado ni Atak na si Atty. Garduque, “Masaya kami sa naging desisyon ng Court of Appeals. This is a good decision wherein the court clarifies on the constitutional right of the accused against double jeopardy.

“Atak is very relieved with the decision. I know that this case puts toll to his career, he was unjustly branded of being a sexual harasser/abuser because of this case. This is a vindication for him,” aniya pa.

Read more...