Celine Dion binigyan ng standing ovation sa 2024 Grammys: I love you!

Celine Dion binigyan ng standing ovation sa 2024 Grammys: I love you!

Celine Dion

BINIGYAN ng standing ovation at malakas na palakpakan ang international singer na si Celine Dion sa 66th Annual Grammy Awards.

Ito’y ginanap sa Crypto.com Arena, Los Angeles City sa Amerika kahapon, February 5 (Philippine time) na dinaluhan ng naglalakihang celebrity sa music industry.

Ito ang kauna-unahang public appearance ni Celine makalipas ang ilang buwan mula nang ibalita niya sa publiko ang pinagdaraanang health battle.


Si Celine ang nag-present ng isa sa apat na major awards sa 2024 Grammy Awards, ang Album of the Year na naiuwi ni Taylor Swift.

Baka Bet Mo: Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon

Matapos nga siyang bigyan ng standing ovation at palakpakan, nagpasalamat ang tinaguriang Queen of Power Ballads sa lahat ng nasa Crypto.com Arena at sa mga viewers all over the world.

“I love you right back. When I say that I’m happy to be here, I really mean it from my heart,” simulang mensahe ni Celine.

Patuloy pa niya, “Those who have been blessed enough to be here, The Grammy Awards, must never take for granted the tremendous love and joy that music brings to our lives and to people all around the world.”

Kung matatandaan, kinansela ng Team Celine ang kanyang “Courage World Tour” last year matapos ma-diagnose ng Stiff Person Syndromee (SPS) na isang “rare autoimmune neurological disorder that can cause painful muscle spasms and stiffness.”


At para mabigyan ng kumpletong kaalaman ang kanyang mga tagasuporta sa kanyang health condition, gumawa siya ng isang documentary na may titulong, “I Am: Celine Dion.”

Baka Bet Mo: Celine Dion grateful sa bagong album, ginamit sa pelikula nina Priyanka Chopra Jonas at Sam Heughan

“This last couple of years has been such a challenge for me,” ang sabi ng 5-Grammy award recipient sa ibinahagi niyang peview ng kanyang dokumentaryo last month.

“The journey from discovering my condition to learning how to live with and manage it, but not to let it define me.

“As the road to resuming my performing career continues, I have realized how much I have missed it, being able to see my fans.

“During this absence, I decided I wanted to document this part of my life, to try to raise awareness of this little-known condition, to help others who share this diagnosis,” pahayag pa ni Celine Dion.

Read more...