KAILANGAN nang magpa-therapy ng Megastar na si Sharon Cuneta para sa patuloy na pananakit ng kanyang paa at hita.
Hirap na hirap daw siyang maglakad ngayon dahil sa iniindang sakit sa kanyang legs kaya nagdesisyon na siyang sumailalim sa physical therapy.
Pero fairness, sa kabila ng kanyang kundisyon, talagang nagpunta pa rin ang actress-singer at TV host sa lamay ng yumaong ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
Nagpunta si Mega sa ikalawang gabi ng burol sa Heritage Park sa Taguig City upang makiramay sa naulilang pamilya ng Dreamscape Entertainment head.
Baka Bet Mo: Showbiz industry nagluluksa sa pagpanaw ng TV exec na si Deo Endrinal
Inamin ng Kapamilya actress na hindi raw talaga sila super close ni Deo pero naniniwala siya na nirerespeto at mahal nila ang isa’t isa.
“We didn’t really have a very close friendship. But always a very good and pleasant relationship at work. ‘Coz Deo is the kind of person who never said one thing and then another thing.
“He was always like ‘yes or no’. Never beating around the bush,” pahayag ni Sharon sa panayam ng ABS-CBN.
Dagdag pa niya, “There was a lot of respect he had for me and me to him. I hope it was mutual. I believe it was a mutual.”
Kung hindi raw siya nagkakamali, ang huling usapan nila ni Deo ay tungkol sa susunod niyang project under Dreamscape Entertainment. Huli siyang napanood sa “FPJ’s: Ang Probinsyano” na proyekto rin ni Deo Endrinal.
Kasunod nga nito, naibahagi rin ni Sharon ang tungkol sa kanyang health condition.
Baka Bet Mo: Veteran actor na mabagal nang lumakad, kering-keri pa ring makipag-one-night stand sa mga natitipuhang celebrity
“It has nothing to do with bone or muscle. It’s nerve. So I need to do physical therapy. I’m still limping. My meds have been up. But thank God it’s nothing worst than that,” sey pa ng aktres.
“It’s very painful, so when I walk, napipilitan akong mag-limp because all over the leg. But in time, I’ll be fine. It depends on the therapy,” pagbabahagi pa ng nag-iisang Megastar.
Ito naman ang mensahe niya sa lahat ng mga Sharonians, “Please don’t worry. Wag kayong mag-alala. Okay naman, nothing serious.”