Jennylyn puring-puri si Xian bilang leading man: Magaan siya katrabaho

Jennylyn puring-puri si Xian bilang leading man: Magaan siya katrabaho

Xian Lim at Jennylyn Mercado

SIMULA pa lang pero na-hook na ang mga Kapuso viewers sa pinag-uusapang primetime series na “Love. Die. Repeat” nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

Markado na sa mga manonood ang karakter ni Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Angela at in-demand leading man Xian Lim bilang si Bernard.

Komento ng isang netizen sa GMA Drama Facebook page, “Very interesting ang story. Refreshing ang tandem nina Jennylyn at Xian.


“May chemistry silang dalawa! Can’t wait for the upcoming episodes. Buhay na buhay ang mga gabi namin!” reaksyon ng isa pang fan.

Baka Bet Mo: Xian nakiliti nang iyakan ni Jennylyn sa dibdib: ‘Yung patay, sinisiko ako!

Sa isang panayam, sinabi ni Jen na super challenging ang kanyang role
bilang Angela sa serye, kung saan paulit-ulit niyang nararanasan ang araw kung kailan namatay ang kanyang asawa (played by Xian).

“Isa ‘to sa pinaka-challenging na role na ginawa ko sa 20 years ko sa industriya. Parang ito na ‘yung rurok noong drama talaga,” pag-amin ni Jennylyn.

Sey naman ni Xian, na unang beses nakatrabaho si Jen, nagkakahiyaan pa raw sila noong unang sabak nila sa taping pero naging kumportable rin sila sa isa’t isa after a few taping days.

“I think ‘yung comfortability and ‘yung trust lang talaga, that’s what we are working on.


“We really needed that trust na parang if may isang magkamali, nandiyan ‘yung isa para sumalo or nandiyan ‘yung isa para alalayan ‘yung isat isa. That’s very crucial in terms of the working relationship and the dynamics with Jen,” lahad ni Xian.

“Magaan siya katrabaho. Lagi kong sinasabi na collaborative ‘yung aming taping every time kasi nag-uusap kami kung ano bang mga dapat gawin.

Baka Bet Mo: Tambalang Jennylyn-Xian kasado na: ‘Love, Die, Repeat’ coming to you bessies real soon!

“Tapos ‘yung aming mga direktor (Jerry Lopez Sineneng at Irene Villamor), napakasipag at napaka-patient talaga na pagandahin itong show na ‘to,” papuri naman ni Jennylyn sa kanyang leading man.

Sa nakaraang episode ng “LDR”, masaya si Angela nang magpatuloy ang oras habang kasama niya si Bernard.

Tuluyan na nga ba niyang nailigtas si Bernard at hindi na siya ma-i-stuck sa time loop? Ito na ba ang hinihintay na new chapter ni Angela?

Subaybayan ang “Love. Die. Repeat.” mula Lunes hanggang Biyernes, tuwing 8:50 p.m. sa GMA Prime, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.

Read more...