Heart Evangelista, Chiz Escudero muling ikakasal

Heart Evangelista, Chiz Escudero muling ikakasal

Heart Evangelista at Chiz Escudero

MULING ikakasal sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero para sa renewal of vows para sa ika-sampung taong anibersaryo bilang mag-asawa.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Pebrero 15, 2015 isang araw pagkatapos ng kaarawan (Pebrero 14) ng kilalang luxury influencer ng Pilipinas na ginanap sa Royal Villa Balesin.

Kuwento ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Upadate” kasama si Mama Loi at Ate Mrena na in-upload kahapon.

Say ni Mama Loi, “Ang bilis ng panahon 10 years na pala ‘yun!”

Sagot ni Ogie, “Oo ang spotlight ay nakatuon lang kina Chiz Escudero at Heart Evangelista sa kanilang wedding.”

Pero hirit ni mama Loi, “parang hndi ‘nay.”

Baka Bet Mo: Heart Evangelista tinawag na ‘toxic’ ng mga dating katrabaho: Masama yata akong tao?

“Ay bakit?” nagtakang tanong ng host.

Sagot ni Mama Loi, “kasi may isa pa akong tsika na ikakasal din sa Feb 15 din.”

Siyempre tinanong ni Ogie at sangga ni mama loi, “hindi ko naman puwedeng banggitin dito ‘nay kasi baka sabihin mahadera tayo (inunahan pang mag-announce), saka baka secret pa.”

Nabanggit pa ng co-host ni Ogie nang marinig daw niyang ikakasal itong personalidad na hindi niya pinangalanan ay nagulat siya dahil parang kakasal lang nila few years ago.

“Renewal of vows din ba ito? Out of town din ikakasal,” say ni mama Loi.

“Sa Palawan (ikakasal) ba mama Loi?” tanong ni ate Mrena at nang ibulong sa kanya kung sino ay sinabing, “naku masuwerte ang makakahula niyan.”

Nagtataka si Ogie dahil clueless siya sa blind item ni mama Loi kaya’t tinanong niya kung sino ito at ibinulong naman sa kanya ni ate Mrena at sabay sabing, “oh my God! Oo nga, suwerte ng makakahuhala, ha, ha, ha. Ano ba ‘yan nagkaro’n tayo ng instant blind item.”

Samantala, wala namang binanggit sina Ogie at mama Loi kung saan ikakasal sina sen Chiz at Heart.

Read more...