Enrique Gil, Liza Soberano staying strong pa rin: ‘We’re just really busy’

Enrique Gil, Liza Soberano staying strong pa rin: ‘We’re just really busy’

PHOTO: Instagram/enriquegil17

MASAYANG-MASAYA pa rin together ang celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

‘Yan ang kinumpirma mismo ni Enrique sa gitna pa rin ng kumakalat na chikang hiwalay na ang dalawa.

Sa kanyang interview with entertainment journalist na si Gretchen Fullido, nilinaw ng aktor na busy lang sila sa kanya-kanyang karera, pero nananatili pa rin ang pag-iibigan nila sa isa’t-isa.

“Yeah, yeah. We’re happy! We’re just really busy,” sey ni Enrique.

Paliwanag niya, “I think we just realized in life that we shouldn’t just be centered around each other. We can do more and grow more with our paths and we can achieve more, and it will just make us better.”

Nabanggit din ni Enrique na bilang busy si Liza sa pag-promote ng Hollywood film debut nito na “Lisa Frankenstein” sa darating na Valentine’s Day, ang kanyang makaka-date muna ay ang kanyang ina na si Bambi.

Baka Bet Mo: Handler ni Enrique Gil pinagbawalang pag-usapan si Liza at mag-focus na lang daw sa projects ng binata, true kaya?

“It’s gonna be my mom,” sambit ng dyowa ni Liza.

Dagdag niya, “Sadly, Liza is going to be in the US for ‘Lisa Frankenstein,’ but hopefully, if she gets back in time, she said she was gonna go and support me.”

At speaking of support, naikuwento ni Enrique ang mga ginagawang gimik nilang mag-dyowa upang i-promote ang upcoming projects nila.

“I actually shot a small video for ‘Lisa Frankenstein’s’ promo and she also helped me. If you saw the trailer, she also said, ‘Hello Big Bird from Liza Soberano.’ It’s super funny,” chika niya kay Gretchen.

Simula noong nakaraang taon, naging usap-usapan sa social media ang breakup ng dalawa.

Kahit nga mismo ang dating talent manager ng aktres na si Ogie Diaz, ibinalita na hiwalay na sina Enrique at Liza.

Ngunit lahat ‘yan ay itinanggi at pinabulaanan ng aktor noog July 2023.

Taong 2014 pang magkarelasyon ang dalawa at kilala sa loveteam na “LizQuen.”

Ilan sa mga pinagtambalan nilang proyekto ay ang “Alone Together,” “Forevermore,” “My Ex and Whys” and “Dolce Amore,” at marami pang iba.

Read more...