‘Rewind’ ng DongYan 1st Pinoy movie na kumita ng P900-M; aabot pa sa P1-B

'Rewind' ng DongYan 1st Pinoy movie na kumita ng P900-M; aabot pa sa P1-B

Dingdong Dantes at Marian Rivera

KONTING-KONTI na lang at papalo na sa P1 billion ang kita ng pelikulang “Rewind” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ibinandera ng Star Cinema na umabot na sa P902 million ang kinita ng entry nila sa Metro Manila Film Festival 2023 na itinuturing na ngayong “highest-grossing Filipino movie of all time”.

Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome naloko sa pera: Utang na P1 million, gone just like that!

Ito’y kung pagsasamahin na ang local at international gross nito simula nang mag-showing noong December 25.


“900M NA PASASALAMAT! (green heart at video emoji).

“‘Rewind’ now has a running total worldwide gross of Php 902 MILLION. It is the first ever Filipino film to cross the 900 million mark at the box office.

Baka Bet Mo: Reunion movie nina Dingdong at Marian na may titulong ‘Rewind’ tuloy na: ‘Stay tuned for an unforgettable cinematic experience!’

“Thank you for being part of this record-breaking history! Above all, #SalamatLods!” ang naka-post sa official Instagram aacount ng Star Cinema.

Last week naman ibinalita na natalo na ng “Rewind” nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera ang record ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ang movie nina Kath at Alden ang unang naitalang “highest-grossing Filipino movie of all time” matapos kumita ng  P881 million.

Sa isang panayam, maluha-luhang nagpasalamat si Marian sa lahat ng sumuporta at patuloy na nanonood ng “Rewind”. Hindi raw talaga nila in-expect ni Dong na ganito kainit ang magiging pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa kanilang comeback movie.

Read more...