Katrina Halili wasak ang puso sa pagpanaw ng boyfriend: ‘Ang daya mo…’

Katrina Halili wasak ang puso sa pagpanaw ng boyfriend: 'Ang daya mo...'

Jeremy Guiab at Katrina Halili

WASAK na wasak ngayon ang puso ng Kapuso actress na si Katrina Halili dahil sa pagpanaw ng kanyang boyfriend na si Jeremy Guiab.

Ayon sa ulat, namatay si Jeremy, na dating vice mayor ng Wao, Lanao del Sur, nitong nagdaang Linggo, January 28, dahil sa heart attack.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Katrina ng litrato nila ni Jeremy kalakip ang kanyang mensahe para sa namayapang boyfriend.

“Ang daya mo love sabi mo aalagaan mo kami ni katie (crying emoji) bakit iniwan mo kami (crying emojis),” ang nakasaad sa caption ni Katrina.


Bukod dito nag-post din ang Kapuso star at “Black Rider” actress ng isa pang photo nila ng boyfriend sa kanyang IG Story na may mga broken hearts emojis.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magka-baby uli, mas type mag-alaga ng birds; kailangang tutukan ang anak matapos ma-diagnose ng ASD

Kung matatandaan, sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay inamin ni Katrina na meron nga siyang boyfriend na malapit din sa kanyang anak na si Katie (anak nila ni Kris Lawrence).


Sabi ni Katrina, abot-langit nga raw ang pasasalamat niya sa guy dahil talagang tinutulungan siya nito sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Katie.

“Siya ‘yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, ‘di ba? Stubborn din ‘yung anak ko.

Baka Bet Mo: Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

“So medyo mahirap kaming dalawa, minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya ‘yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga.

“Siya ‘yung mag-uusap, siya ‘yung kakausapin ako, kakausapin niya ‘yung anak ko,” kuwento ni Kat kay Tito Boy.

Inamin din ng celebrity mom na mula raw noong maghiwalay sila ni Kris ay hindi siya nagkadyowa, meaning 8 years siyang single dahil talagang nag-focus daw siya kay Katie.

“Noong dumating si Katie, wala talaga, as in eight years ayoko talagang mag-boyfriend, ayokong mag-date.

Wala, anything, work, work lang. Sabi ko ‘pag age ko ng 34, 35, kailangan meron na. Nangyari ‘yon,” chika pa ni Katrina.

Read more...