“WE may have reached the finish line, CNN Philippines, but you will always home. Thank you.”
Iyan ang caption ng sports anchor na si Andrei Felix lll sa profile picture niya sa Facebook kung saan nakasandal siya sa malaking logo ng network.
Dating artista si Andrei at ang ilan sa mga naging shows at pelikula niya ay “Etheria: ang ikalimang Kaharian ng Encantadia” (2005), “Saan Ka Man Naroroon” (1999), “Tiyanaks” (2007), “Puso ng Pasko” (1998), “Mystrio” (1998). Naging host din siya ng “Umagang Kay Ganda” (2007) hanggang sa napunta na nga sa CNN.
Sa pagputok ng balitang pinal na ang pagsasara ng CNN Philippines ngayong Enero 31 ay kanya-kanyang pamamaalam na ang mga hosts at isa na nga riyan si Andrei sabay pasalamat sa lahat ng mga taong nakatrabaho niya at mga naging guests niya.
Baka Bet Mo: Angel nag-sorry: Gusto ko lang i-celebrate ang birthday ko, hindi ko po intensiyon na magkagulo
“And there goes the final buzzer! Being the Sports Anchor of @sportsdeskph the past 8 years has been the best experience of my life. I am and will always be grateful.
“To all the amazing athletes, coaches, team managers/owners, and people I have interviewed and guested on my show, MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT! Pasensiya na sa lahat ng kinulit ko na mag guest sa show ko!
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach napaiyak nang makaabot sa finish line ng New York City marathon: ‘The best run of my life’
“To all my producers, writers, editors, directors, cameramen, audiomen, lightmen, and EVERYONE I’ve worked with on SD, I couldn’t have done it without all of you!!!
“Ang sarap mag trabaho dahil kayo mga naging katrabaho ko!!! Mahal na mahal ko kayong lahat! We have built a great show!
“Until next time, @cnnphilippines!” ang buong mensahe ng host.
Nagpadala kami ng mensahe kay Andrei at sinabi naming mahusay siyang anchor at tiyak na maraming magbubukas na pinto sa kanya at kaagad naman siyang nagpasalamat sa amin.
Biniro namin si Andrei na, “Balik-acting ka na lang. Kaya pa ba?”
“Ayaw na Ate haha okay na ako sa Sports and Newscasting haha,” sabi ni Andrei.
Goodluck Andrei! Ang isang mahusay at magaling makisamang tulad mo ay hindi mawawalan ng puwang sa industriya.