KAHIT hindi nakapiling ng napakahabang panahon, mahal na mahal pa rin ng Kapuso actress na si Faith Da Silva ang amang si Dennis Da Silva.
Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ang dating aktor kaya lumaking walang tatay si Faith pero never daw niya itong kinalimutan at kinamuhian.
Nabigyan ng pagkakataon ang dalaga na madalaw at makita nang personal ang kanyang tatay sa kulungan nitong nagdaang linggo at dito nga niya nasabing nakita niya ang sarili sa ama.
Umamin si Faith na noong bata pa siya ay gumawa siya ng “imaginary father” upang mapunan ang pangungulila sa pagmamahal ng isang tatay.
Baka Bet Mo: Faith da Silva desidido nang lumaban sa beauty pageant; umaming wala pa ring dyowa
“Doon ko na-realize na when I was talking to him face to face, I see a lot of myself in him. It was very weird kasi that was the first time we’ve met,” ang simulang pahayag ni Faith sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, January 26.
Gustung-gusto raw talaga niyang makita at makasama ang ama kahit sandali lang kaya naman tuwang-tuwa siya nang mabigyan ng chance na mabisita si Dennis sa bilangguan.
“Because I love him, I love him a lot. ‘Yung love ko kasi sa kaniya noong una it was coming from a place of longingness, because he was not present noong time na ‘yun,” sey ni Faith.
Dito na nga nabanggit ng Kapuso actress na meron siyang “imaginary father” sa kanyang isip na siyang kinakausap niya kapag napapagalitan o may nakakaaway.
Baka Bet Mo: Albert Martinez sa chikang may relasyon daw sila ni Faith da Silva: I believe it’s not that bad at all…
“Palaging sinasabi talaga sa akin ni mama growing up, na sobrang mahal ako ng father ko tapos daddy’s girl ako. Eh ako, wala naman akong recollection kasi nga, one year old pa lang ako, paano ako magiging daddy’s girl?
“Ako, iniisip ko talaga na, kailan darating ‘yung time na I would have a moment with my dad? ‘Yung pagmamahal ko sa kaniya it felt like I was really seeking for it.
“Feeling ko hindi siya naging normal, tapos hindi ko rin siya sine-share sa ibang tao. So lahat siya nandito lang sa loob, hindi ko alam kung paano ko ipa-process noong time na ‘yun.
“Si God ang naging father ko talaga,” ang pahayag pa ni Faith.
Totoong kinuwestiyon din niya ang ama kung bakit iniwan sila nito, “Noong nagkakaroon na talaga ako ng idea with what happened, nakikita ko ‘yung kaso, naipapakilala sa akin slowly ‘yung ibang family members ko, half siblings. Gusto ko siya na nandiyan.
“Gusto, because siguro at that time I felt like, gusto kong maging selfish. Na kahit mayroon na siyang sarili niyang family, gusto ko kami naman. ‘Iparamdam mo naman sa akin.’
“Gusto ko ring maging buo bilang isang pamilya. At the same time hindi na rin kasi may family na siya, and I respect that,” pag-amin ng aktres at TV host.
Ito naman ang message niya sa nakakulong na ama, “Happy ako for him. I believe na malusog siya, happy siya. Siguro ‘yung justice talagang makuha niya sa tamang panahon, naniniwala ako roon.”
Nag-sorry din daw si Dennis sa kanilang magkapatid, “Mas nauna siyang humingi ng tawad sa akin. Si Silas talaga ‘yung tinanong niya. Tinanong niya kung ‘Okay na ba tayo? Alam ko noon pa lang meron kang mga feelings o certain emotions na negative about me. Gusto ko lang malaman kung okay na tayo? Kung maayos na tayong dalawa?’ And he said yes.”
Rebelasyon pa ni Faith, feel na feel niya ang pagiging tatay ni Dennis nang kumustahin siya nito, “Actually na-shock nga ako kasi usually ang mga tao kapag nami-meet ko, ‘yun agad ang mga tanong, about showbusiness.
“Siya, tao ang tanong niya sa akin. ‘Kumusta ka? Maayos ba ang tinitirahan mo? Kumusta kayo ng mama mo? How is your mom?’ Sobrang tatay ng mga tanong,” aniya.
Matatandaang dinalaw ni Faith at ng kapatid niyang si Silas, si Dennis sa kulungan noong December. Dalawang oras daw tumagal ang kanilang chikahan.
“Hindi ako sure kung kailan mangyayari ulit. Pero ang dami ring mga emotions na nag-resurface talaga, na ang hirap iwanan. Na kahit nakauwi na ako, ilang araw na ang dumating, hindi ko pa rin feel na fully nag-sink in na talaga siya,” sey ng aktres.
Ang huling mensahe raw ni Dennis sa kanilang magkapatid, “‘Mag-ingat kayo mga anak. Mahal na mahal kayo ni Papa.'”