HINDI maiwasang malungkot ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa naging kita ng last movie ng yumaong si Ronaldo Valdez.
Sa kanyang Instagram account ay inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa mababang sales ng pelikula.
“I feel so sad Salve. Balitang mahina na naman ang mga kinita ng mga inilabas na bagong local movies. Kahit na nga daw iyon last movie ni Ronaldo Valdez medyo hindi maganda ang resulta sa sinehan,” pagbabahagi ni Lolit.
Aniya, nalulungkot siya na ganito ang nangyayari sa showbiz lalo na sa local movies.
Baka Bet Mo: Lolit Solis naawa kay Daniel: Sana huwag maapektuhan ang kanilang career
Sey ni Lolit, “Sana naman gaya nuon festival na tinanggap ng mga manunuod ang mga pelikula na inilabas, maging ganuon din ang maging kita ng mga ilalabas na pelikula ngayon.
“Sayang naman kung manghina ang loob ng mga producers dahil sa kawalan ng interest ng mga manunuod.”
Chika ni Lolit, paniguradong hindi naman gugustuhin ng mga tao na tuluyang mawal ang local movies.
Tila sa TV na lang daw gustong manood ng karamihan ng mga local shows.
“Para ngang sa TV na lang gusto manuod ng local shows ng mga followers ng mga stars. Hindi naman pupuwede na iyon na lang ang suportahan ng mga mahilig sa local shows,” sabi ni Lolit.
Pagpapatuloy niya, “Dapat din silang manuod ng sine dahil iyon ang mas gugustuhin ng local producers.”
Sana raw ay mas magung aktibo sa panonood ng sine ang mga tao para matulungan ang local showbiz industry.