NAGPALIWANAG ang dating child star na si Xia Vigor kung bakit nawala siya ng ilang taon sa mundo ng showbiz.
Ang last project na ginawa ni Xia bago siya pansamantalang namaalam sa pag-aartista ay ang award-winning at Pinoy version ng Korean hit movie na “Miracle in Cell No. 7”.
Isa ito sa mga naging official entry sa Metro Manila Film Festival 2019 na pinagbidahan nga ni Xia kasama ang premyadong aktor na si Aga Muhlach. Ten years old pa lamang noon si Xia at ngayon ay 14 na siya.
Kuwento ng bagets sa naganap na presscon ng latest movie niya na “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” kung saan kasama naman niya si Janno Gibbs, ilang taon silang nanirahan ng kanyang pamilya sa Occidental Mindoro.
Ito yung panahong nagsimula na ang COVID-19 pandemic noong March, 2020 kasabay ng lockdown sa halos lahat ng lugar sa Pilipinas.
“Actually, after po ng Miracle in Cell No. 7, noong nag-pandemic, nag-decide po ang mommy ko na pumunta muna kami ng province, which is I am really grateful sa desisyon niya na yun.
“Kasi, parang nu’ng bata pa siya, may mga experience siya, like climbing trees, nakakapag-bike around the village. Tapos tabing-dagat din yung bahay namin sa Mindoro,” pagbabahagi ni Xia.
Dagdag pa ng Viva Artists Agency talent, “Sobrang grateful ako na during the pandemic, nandoon kami, COVID-free yung village na yon.
“Naranasan ko to be outside of the movies and the industry for a little while. Marami akong natutunan sa ginawang desisyon ni Mommy.
“Pero after ilang years kami na nag-stay doon, my mom asked me kung gusto ko pang mag-artista or we can just go back to England and mag-school ako doon,” pag-alala pa niya.
Baka Bet Mo: Netizens awang-awa kay Dennis Padilla, dinedma-dedma pa rin daw ng mga anak nitong Pasko at Bagong Taon
Obviously, mas pinili nga ng bagets ang Pilipinas dahil gusto pa rin niya ang umarte, “Sinabi ko sa kanyang hilig ko talaga, passion ko rin talaga ang acting and being part of the industry.
“Alam ko rin na kapag actor ka, mas nabibigyan ka ng voice or influence sa social media. So, gusto kong i-take yung opportunity ko na may mga platform ako to inspire other people and the youth.
“Sana ngayon, magtuluy-tuloy na rin na may movies uli tapos may mga project po ulit,” aniya pa.