TVJ may sama ng loob kay Anjo Yllana dahil sa pagre-resign sa Eat Bulaga?

TVJ may sama ng loob kay Anjo Yllana dahil sa pagre-resign sa Eat Bulaga?

Anjo Yllana at TVJ

PAYAG na payag ang veteran comedian na si Anjo Yllana na maging Dabarkads uli at mag-co-host sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”

Nami-miss na rin daw ng komedyante ang pagho-host kaya kung aalukin siya ng iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na bumalik sa “Eat Bulaga” o “E.A.T.”, yes agad ang isasagot niya.

Nakachikahan namin si Anjo kamakailan sa naganap na presscon para sa latest movie niyang “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” na pinagbibidahan at idinirek ng kaibigan niyang si Janno Gibbs mula sa Viva Films.

Dito nga naitanong sa aktor kung may samaan ba sila ng loob ng TVJ matapos siyang mag-resign noon sa “Eat Bulaga” sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic para tanggapin ang offer na mag-host ng isa ring noontime show.

Baka. Bet Mo: Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon…ano kaya yun?

Ito yung panahong hindi pa siya pinagre-report at ang iba pang Dabarkads sa “Eat Bulaga” dahil sa pandemya.

“Hindi ko naitanong, e. Pero siguro medyo masama yung loob nila, kasi katapat din nila yung show na tinanggap ko, e.


“Pero yung tagal na pinagsamahan namin nina Joey, ni Tito Sen, ni Bossing, baka ilang araw lang yung sama ng loob nila kasi mas malalim yung pinagsamahan namin, e.

“Hindi na rin kami nakapag-usap, si Pauleen (Luna) lang, si Joey, si Bossing tsaka si Tito Sen minsan pero hindi na namin napag-uusapan yung ganu’n. Though, happy ako dahil nanalo na sila,” ani Anjo.

Baka Bet Mo: True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa ‘Happy Time’?

Ang tinutukoy ng komedyante ay ang pagkabawi ng TVJ sa “Eat Bulaga” trademark matapos katigan ng korte ang reklamo nila laban sa TAPE Incorporated na siyang producer ng iconic noontime show.

Pagpapatuloy ni Anjo, “Kasi, isipin mo naman, Tito, Vic and Joey, tapos iba ang pangalan ng show nila, di ba? Talagang mas bagay naman sa kanila yung title na Eat Bulaga.

“So, happy ako na napunta na uli sa kanila yung title, na pumanig sa kanila yung desisyon ng korte. Karapat-dapat talaga ang Tito, Vic and Joey na magdala ng Eat Bulaga,” ani Anjo.

At sa tanong nga namin kung game siyang maging co-host uli sa noontime show ng TVJ at ng iba pang Legit Dabarkads sakaling kunin siya uli, “Oo naman, game ako diyan.”

Matatandaan na makalipas ang 21 taon, nagpaalam nga si Anjo sa “Eat Bulaga” para maging host ng “Happy Time” na napanood noon sa Net25.

Sa kanyang Facebook page, idinaan ni Anjo ang pamamaalam niya noon sa  noontime program ng TAPE Inc. at GMA 7.

“With a heavy heart… today Aug.11 2020…I submit mg resignation…thank you Dabarkads…thank you Eat Bulaga…21 years and it was a blast…Good Bye and all roads to your 50th,” ang mensahe ni Anjo.

Read more...