JC Organic Barley itinanghal na Best Natural Supplement of the Year sa ALA

JC Organic Barley itinanghal na Best Natural Supplement of the Year

KINILALA ang JC Organic Barley bilang “Best Natural Supplement of the Year” sa Asia Leaders Awards (ALA).

Ang espesyal na seremonya ng pagbibigay parangal, na dinumog ng mahigit 3000 na attendees, ay naganap sa JC Go Global Kick Off noong Enero 7, 2024 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.

Ang pagbibigay parangal ay ginanap kasama si H.E Dato Abdul Malik Melvin Castellino, ang Embahador ng Malaysia sa Pilipinas, at sina Mr. Andrew Nicolas, ang Chief Executive Officer ng Tag Media Group, kasama si Chief Operations Officer Engr. Grace Bondad Nicolas.

Sa naturang pagdiriwang ibinahagi nina JC President Jonathan So at Vice President Carlito Macadangdang ang mga sikreto ng kanilang tagumpay.

Binigyan diin nila ang kahalagahan ng dedikasyon at kreatibidad hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin sa personal na mga layunin tulad ng kalusugan at kagalingan.

Dumalo rin ang GMA star na si Dingdong Dantes, ang brand
ambassador ng JC Organic Barley, at nagbigay-suporta sa brand sa JC Kick-off event, kung saan iginawad ang parangal bilang “Best Natural Supplement of the Year”.

Baka Bet Mo: Bilang ng mga artista na bumibilib sa JC Organic Barley, dumarami

Ang JC Organic Barley na ginawa sa gabay ng mga scientific experts, ay isang nutritional powerhouse na puno ng lahat ng sustansiyang kailangan para sa isang malusog na katawan.

Ang Organic Barley Grass ay ang tanging halaman sa buong mundo na nagbibigay ng nutrisyon mula sa pagsilang hanggang sa pagtanda. Kilala ang JC Organic Barley bilang pinaka-trending na inumin, at itinuturing ito na pinakamasarap na barley drink sa buong mundo.

Isa sa mga kahanga-hangang katangian ng JC Organic Barley ay ang napakataas na 25,000 ORAC value nito, na dalawang libong beses mas mataas kaysa sa spinach.

Ang mataas na ORAC value na ito ay nagpapahayag na ang JC Organic Barley ay isang mahusay na kaalyado laban sa kanser.

Ang ORAC o Oxygen Radical Absorbance Capacity ay nagmamarka ng antioxidant capacity ng iba’t ibang pagkain.

Ang mga pagkain na mas mataas sa ORAC scores ay mas maraming antioxidants, na tumutulong sa pagprotekta laban sa masamang molekula na tinatawag na free radicals na nagdudulot ng pagtanda at sakit.

Sa nasabing event, inanunsyo ni Mr. Noel Lantin, ang Presidente ng Mediacomm Pacific Inc., na kasama na ang JC Organic Barley sa Philippine Pharmaceutical Directory (PPD) Handbook, isang direktoryo ng gamot na ginagamit ng mga propesyonal sa pangangalagang pangkalahatan.

Read more...