JC Organic Barley garantisado ng New Zealand Government
TAGLAY ng JC Organic Barley ang “Asure Quality” seal mula sa mismong gobyerno ng New Zealand.
Patunay lamang ito na hindi magkakatulad ang barley juice.
Ang “Asure Quality” seal ay garantiya na ang JC Organic Barley ay lehitimo at tunay na organic product.
Iginawad rin ito dahil isa sa mga batayan ng nasabing government-assuring body ay ang kalidad ng lupa kung saan itinanim ang barley grass.
Ikinukunsidera ang barley juice na “super food of the 21st century” dahil sa mga naibibigay nitong benepisyo sa katawan at kalusugan.
Hindi katulad ng ibang “manufactured commercial barley,” ang JC Organic Barley ay galing mismo sa barley grass sa New Zealand, na kilala sa de-kalidad at hindi polluted na lupa.
Bukod dito, walang anumang chemical at pesticides ang mga damo na pinagmumulan ng JC Organic Barley sa loob ng 30 years.
Baka Bet Mo: Bilang ng mga artista na bumibilib sa JC Organic Barley, dumarami
At ang tubig na pinandidilig dito ay galing sa buhay na sapa at hindi sa gripo o treated water na puno ng chemical. Ito rin ay ginamitan ng stevia, na isang natural sweetener na nagpapataas pa ng kalidad ng produkto.
Garantisado ito na “zero calories and zero carbs” kaya’t ligtas ito maging sa mga may diabetes o may mataas na “sugar level.”
Taglay din ng JC Organic Barley ang proteins, walong essential amino acids, highly alakalizing minerals at napakaraming vitamins.
Sa pag-inom ng JC Organic Barley juice nababawasan ang pagkakaroon ng problema sa puso, nakakapagpababa din ito ng blood cholesterol at blood glucose level, malusog na digestive system, nababawasan ang posibilidad nang pagkakaroon ng gallstones, anemia at fatigue.
Nakakatulong din ito sa produksyon ng hemoglobin sa katawan at sa pagbabawas ng timbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.