Pokwang sinabihang gayahin si Ruffa Gutierrez, pumalag: Magkaiba kami

Pokwang sinabihang gayahin si Ruffa Gutierrez, pumalag: Magkaiba kami

Pokwang at Ruffa Gutierrez

SINAGOT ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang mensahe ng isang netizen na gayahin niya ang kapwa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Ang naturang opinyon ay may kinalaman sa kanyang pakikitungo sa ex-partner at ama ng bunsong anak na si Lee O’Brian.

Sa X (dating Twitter) account, sinopla ni Pokwang ang netizen na nagbigay ng unsolicited advice kung paano siya magiging ina kay Malia.

Sey ng netizen na may username na @ahlchamp, “Mamang @pokwang27. Word of advise lang. Be like Ruffa Guttierez. Mas malala pa naging karanasan niya with Ylmaz but never nya nilason utak ng mga anak nya para magtanim ng galit sa kanilang tatay. Ruffa is living peacefully and happily now. Choose to be happy.”

Kalakip ng post nito ang screenshot ng reply ni Pokwang sa isa pang comment ng netizen na darating ang panahon na hahanapin rin ni Malia ang ama na sinagot ng komedyana na “oo para sumbatan sya dahil di naman nagpakaama sa socmed lang.”

At tulad ng unang sagot ng Kapuso star ay matapang rin ang naging sagot niya sa nagsasabing dapat niyang gayahin si Ruffa.

Baka Bet Mo: Lee nasa Pinas pa rin, hirit ni Pokwang: May padrino, kapal ng mukha!

“Well hindi ako si Ruffa magkaiba kami sa itsura palang maganda sya malayo sobra, sa pangalan etc. so hindi pwedeng dapat ganito ka kasi ganito sya ok? magkakaiba tayo, magkaiba ng pain at pinagdaanan at pinagdaraanan wala kayong alam,” sey ni Pokwang.

Ngunit makalipas ang ilang minuto ay muli siyang pinagsabihan ng naturang netizen.

“Kung ano man ang nagawa ni Lee sa’yo, sana wag mo na idamay ang bata. Tatay pa rin nya yan. Wag mo hayaan na pati si Malia, lumaking may galit sa isang tao lalo pa’t tatay pa rin naman nya yan. Spare the kid,” sabi ng netizen kay Pokwang.

Reply ng komedyana, “Hindi ko dinadamay ang anak ko excuse me! sya ang pabaya at may pagkukulang bakit laging sa nanay ang sisi?”

Nag-sorry naman ang netizen kay Pokwang at sinabing hindi niya intensyon at hindi niya sinisisi si ang komedyana.

“Mamang sorry if feel mo nasisi kita pero it’s not my intention. Alam ko you’re a good mother sa both anak mo. Ang sa’kin lang. Wag mong hayaan na kainin ka ng galit mo dahil lang sa isang taong minsan ay minahal mo rin naman. Focus ka na lang po sa pagpapalaki kay Malia ng tama,” pag-e-explain ng netizen.

Pokwang hindi mapapanatag hangga’t nasa Pilipinas si Lee O’Brian

Giit naman ni Pokwang hangga’t nandito sa bansa si Lee ay hindi siya matatahimik.

“Hanggat nandito payan di talaga ako matatahimik at ganon din sya di ko sya patatahimikin! ang ikinagagalit ko yung umaapila pa sya imbes na umalis nalang at may padrino!” sey ni Mamang Pokie.

Lahad naman ng netizen, hindi naman daw threat si Lee sa buhay nilang mag-ina.

“Mamang, di naman sya threat sa buhay mo para di ka matahimik while he’s here. Ganun po talaga ang batas, wala na tayong magagawa. He can file for appeal. You’re a strong independent woman. Kaya mong mabuhay nang hindi umaasa sa kanya. That’s it, Mamang.”

Ngunit naging matigas si Pokwang at sinabing, “basta kailangan nya umalis para sa kapayapaan namin pareho at maibalik ko yung masiglang pokwang yung wala ng galit kasi wala na sya sa bansa ko na nagpahirap sakin ng todo.”

Hangad naman ng netizen na mahanap ng komedyana ang kapayapaan ng kanyang puso sa kabila ng pinagdaraanan.

Read more...