PARA sa dating aktres na si Andi Eigenmann, malaking bagay na makasama niya ang mga anak sa pagta-travel.
Alam niyo kung bakit?
Naniniwala kasi si Andi na ang “experience” ay isang “best form of education.”
Totoo naman ang inihayag ng dating aktres dahil mas natututo tayo kapag aktwal nating nararanasan ang isang bagay o sitwasyon.
Kaya naman, todo ang pasasalamat ni Andi sa kanyang latest Instagram post dahil nagkakaroon siya ng tsansa na mabitbit ang kanyang anak sa kanyang mga pamamasyal.
Baka Bet Mo: Andi Eigenmann umaming naloloka rin sa pag-aalaga ng 3 anak: Sinasabi ko na lang, ‘Ginusto mo yan, eh!’
“Being able to travel with my children is a privilege I am always grateful for,” caption ng aktres kalakip ang ilang cute photos ni Lilo, ang panganay nila ng partner na si Philmar Alipayo.
Paliwanag niya, “To be able to offer them a chance to see the world instead of just telling them about it, and giving them the best form of education there is: experiencing life through travel.”
“The memories we make is just a bonus!” aniya pa.
Sa mga naunang IG post ni Andi, makikita na kasalukuyan silang nagbabakasyon sa La Union.
Ibinandera pa nga ni Andi ang magsisilbing tahanan nila sa lugar sa loob ng isang linggo.
Ayon pa sa kanya, ito ang dream home nila ni Philmar na kung saan ay malapit din ito sa mga bundok, hindi lang sa dagat.
“[@chepoxz and I] have always wanted a house near the mountains. Fresh cool air, close to nature, and a breathtaking view of sky + sea,” caption niya.
Wika pa niya, “A good scenic sunset is a bonus too. Staying here makes me yearn to have one of our own already. So much inspiration just being here!”
May post din si Andi na proud na proud niyang ibinandera na marunong na ring mag-surf ang bunso niyang anak na si Koa.