Promise ni Baron: Bilang magulang gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko

Promise ni Baron: Bilang magulang gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko

Jamie Evangelista at Baron Geisler

RELATE na relate ang magaling na aktor na si Baron Geisler sa naging karakter niya sa katatapos lamang na “Senior High“.

In fairness, talaga namang humataw nang bonggang-bongga ang teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes, hindi lamang sa mga digital platforms kundi maging sa telebisyon.

Kaya nga super thankful and grateful si Baron na sa kanya ipinagkatiwala ang role as Harry, ang tatay ng mga karakter nina Elijah Canlas at Daniela Stranner.

Sabi ng aktor, napakarami rin niyang natutunan sa younger cast ng “Senior High”, kabilang na riyan sina Andrea, Daniela, Elijah, Kyle Echarri, Juan Karlos, Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

Baka Bet Mo: JC Santos naging pasaway din noon: Lumaki ako na maraming bad decisions at maraming pagkakamali

“I consider myself a zillennial. I am very blessed and lucky nakikilala ako ng Gen Z and I get to work with the fine young actors,” sey ni Baron sa interview ng ABS-CBN.

“I’m grateful to be learning from new directors, direk Andoy Ranay, especially the kids. Namamangha ako sa galing nila,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng serye, namatay si Harry matapos niyang iligtas si Sky (Andrea) mula sa mga kamay ni William (Mon Confiado). Sabi ni Baron, gustung-gusto raw niya ang kanyang death scene.


“At least nagkaroon ng redeeming factor si Harry. If you really get to watch the series, makita niyo napaka-selfless ni Harry.

“Nagmukha lang siya salbahe for what he needed to do to protect his family. He did it for Sky, ‘yun ang pinaka-redemption ng character ni Harry,” aniya.

Baka Bet Mo: Baron Geisler minura ni Paolo Contis: ‘Pati t-shirt ko di kinaya yung acting mo!!!’

Patuloy pa niya, “Natutuwa ako sa people online na nage-get nila ‘yung character. Oo hindi ako plain kontrabida, gray ang character ko. Kasi for him, only obligation and motivation is protect his family and children.

“Ako bilang magulang, makaka-relate ako kay Harry. Because I will do anything and everything for my family,” pahayag pa ng magaling na kontrabida.

Saad pa ng aktor, “This project has been very dear to me because it talks about mental health, issues that were taboo back in the day.

“I’m so grateful sa Dreamscape and writers na nilalabas nila through television to educate and help people struggling through these problems.

“This experience to me is unforgettable and one for the books,” dugtong pa ni Baron Geisler.

Read more...