HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nagkakaayos ang dating magkaibigan na sina Daniel Padilla at Dominic Roque.
Yan ang diretsahang kinumpirma ng fiancé ni Bea Alonzo nang makapanayam ng ilang members ng press sa dinaluhan nitong event kahapon.
Kasabay nito, nabanggit din ni Dominic na totoong invited ang ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo sa wedding nila ni Bea Alonzo na inaasahang mangyayari this year.
May nagtanong kay Dominic kung imbitado ba sina Kathryn at Daniel sa kasal nila ni Bea dahil alam naman ng lahat na naging malapit din ang aktor at negosyante noon sa KathNiel.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque
Nakilala sa showbiz ang tropa nilang Nguya Squad kung saan nakasama rin nila sina Marco Gumabao, Patrick Sugui, Zanjoe Marudo, Joshua Garcia, Ria Atayde, Joe Vargas at Alora Sasam.
Bukod sa mga nabanggit, kung hindi kami nagkakamali, naka-join din nila sa sa grupo ang mga magdyowang sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, at Sofia Andres at Daniel Miranda.
Baka Bet Mo: Daniel, Dominic nagkaproblema dahil sa isa pang anak ni Karla Estrada?
Sabi ni Dominic si Kathryn pa lamang ang imbitado sa kasal nila ni Bea, “Oo, kasi hindi pa naman kami okay ni DJ (Daniel).
“I mean we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020,” sabi pa ng binata na walang binanggit kung bakit sila nagkaroon ng gap ni Daniel.
Pero sabi ni Dom, pwede pa naman daw mabago ang listahan ng mga bisita nila pero sure na sure na raw sa guest list sina Kathryn, Marco, Khalil at Patrick.
“They are the ones I’ve been with since I entered showbiz. That’s why I’m excited to be with them (sa wedding day),” ani Dominic.