Vice Ganda ‘di nagustuhan ang pagli-lip reading ng kanyang videos

Vice Ganda 'di nagustuhan ang pagli-lip reading ng kanyang videos

Vice Ganda

DISMAYADO ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga netizens na nagpapakalat ng lip reading video na trending ngayon sa TikTok.

Sa episode ng “It’s Showtime” noong Lunes, January 15, inihayag ng komedyante na nakapanood siya ng video kung saan nili-lip read ang usapan nila ng iba pang “It’s Showtime” hosts sa tuwing hindi rolling o hindi nakatutok sa kanila ang camera.

Posible ngang isa sa madlang pipol na audience sa “It’s Showtime” ang kumuha ng video nina Vice.

Aniya, hindi niya nagustuhan ang paglalagay ng ibang tao ng linya o mga salita sa kanyang bibig na maaaring mali naman at hindi niya sinabi.

“May mga madlang people na nagbi-video tapos nili-lip read tayo sa TikTok, that’s so bad,” saad ni Vice Ganda.

Dagdag pa niya, “Siyempre nakaka-offend sa part namin kasi deserve din naman namin ng privacy at mag-usap-usap bilang magkakaibigan.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda 1 lang ang palaging New Year’s Resolution, ano kaya yun?

Isa pa sa ikinakatakot ni Vice ay ang ma-misinterpret at baka mabigyan ng ibang kahulugan ang kanyang sinabi.

“Nili-lip read nila at ang nakakatakot kapag mali yung sinasabi. Tapos minsan sasadyain. Bibigyan talaga nila ng anggulong controversial yung mga bagay.

“That’s so bad. Hindi maganda yon. Sobrang ka-maritesan na yon,” sabi pa ni Vice.

Bagama’t masarap sa feeling na nare-recognize sila pero minsan ay tila nawawalan na sila ng privacy.

“Masarap na nare-recognize tayo, pero minsan talagang nilalampasan nila, parang para sa kanila, ‘Wala, walang privacy rito, kailangan lahat alam namin. Kailangan lahat pakikialaman namin.’ That’s nakaka-sad sometimes,” amin ni Vice.

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang mga co-hosts na sina Jhong Hilario at Anne Curtis.

Nagpaalala rin ang mga ito na maging maingat sa paggamit ng social media at dapt gamitin ito ng mga content creators sa mga makabuluhang bagay.

Read more...