MMDA, DoTr umalma sa ‘World’s Worst Traffic’ list, duda na no. 1 ang NCR

MMDA, DoTr umalma sa ‘World’s Worst Traffic’ list, duda na no. 1 ang NCR

INQUIRER file photo

MATAGAL nang problema sa ating bansa, lalong-lalo na sa Metro Manila ang matinding traffic.

Pero sa kabila niyan, patuloy pa rin ang paghahanap ng solusyon ng ating gobyerno upang tuluyan nang maresolba ang tumitinding sitwasyon.

Sa isang press conference, tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng necessary traffic management interventions kasunod ng lumabas na pag-aaral kung saan nangunguna ang Metro Manila sa listahan ng “World’s Worst Traffic.” 

Base ‘yan sa 2023 TomTom Traffic Index, isang Netherlands-based multinational developer and creator ng location technology and consumer electronics.

Tila nagkaroon pa nga ng pagdududa ang MMDA sa resulta ng multinational traffic data provider at ayon sa acting chair ng ahensya na si Romando Artes, makikipag-ugnayan sila sa mga taong nasa likod ng nasabing pag-aaral.

“We want to know the methodology employed. If there is an actual count and when did they conduct the study,” sey ni Artes.

Binanggit pa niya bilang halimbawa ang Quezon Avenue na ayon sa pag-aaral ay ang pinaka-abalang kalye sa Metro Manila noong nakaraang taon.

Baka Bet Mo: Mga besh, knows n’yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?“Per our data, it is still Edsa as Metro Manila’s busiest road based on our regularly conducted actual count,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “With this alone, we can see that there is a difference between our data and TomTom’s. Quezon Avenue is only the third busiest road per our data.”

Nagkaroon din ng reaksyon ang secretary ng Department of Transportation (DOTr) na si Jaime Bautista at sinabi na may ongoing road transport infrastructure projects sila upang ma-improve ang pagko-commute habang tinutugunan ang lumalalang trapiko sa mga highly urbanized na lugar.

“The top ranking of Metro Manila in the world traffic poses a challenge not just for DOTr but other agencies as well to be creative at finding lasting solutions to metro traffic,” saad ni Bautista.

Aniya pa, “We will fast-track road projects while collaborating with appropriate agencies with the help of the private sector.”

Ayon sa 2023 TomTom Traffic Index, ang pagmamaneho sa Metro Manila ay tumatagal ng average na 25 minutes and 30 seconds kada 10 kilometers.

Kabilang din sa “World’s Worst Traffic” noong nakaraang taon ay ang Lima, Peru; Bengaluru, India; Sapporo, Japan; Bogota, Colombia; Taichung, Taiwan; Mumbai, India, Kaohsiung, Taiwan; Pune, India; at Nagoya, Japan.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Artes na ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang lungsod ay isang dekada nang problema at iniugnay ito sa iba’t ibang mga kadahilanan.

Katulad na riyan ang dami ng sasakyan, pagbara sa mga lane, paghuhukay at pag-aayos ng kalsada, patuloy na konstruksyon ng mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno, pagsasaayos ng kalsada, at pagsususpinde ng “No Contact Apprehension Policy.”

Read more...