Jiro Manio hindi isinasara ang pinto sa pagbabalik showbiz pero…

Jiro Manio hindi isinasara ang pinto sa pagbabalik showbiz pero...

Jiro Manio

BAGAMAT inamin ng dating child actor na si Jiro Manio na hindi niya isinasara ang kanyang pinto sa muling pagbabalik sa showbiz ay mayroon siyang kinatatakutan.

Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay marami silang napag-usapan ng King of Talk mula sa kanyang recent na pagbebenta ng kanyang Gawad Urian Award hanggang sa kanyang pagiging volunteer sa isang drug rehabilitation center.

Aminado si Jiro na nami-miss rin niya ang pagiging artista lalo na’t marami pa rin ang nakakakilala sa kanya sa kabila ng matagal na niyang pagkawala sa limelight.

Hindi rin nga maiwasan ng iba na magtanong kung kailan siya muling magbabalik sa pag-arte lalo na’t isa siya sa mga mahuhusay na artista sa Pilipinas.

“Minsan sinasabi ko na lang [na] ‘Nagpohinga pa po kasi ako dahil kailangan ko pa po ng full recovery. Minsan ‘yung iba alam na kung bakit ayaw kong bumalik. ‘Yung iba nangungulit,” pagbabahagi ni Jiro.

Nang matanong naman siya kung isinasara na ba niya amg posibilidad na magbalik showbiz ay sinabi nitong open siya sa muling pag-arte pero ayaw niyang matulad ang pagbabalik niya sa nangyari noon.

Baka Bet Mo: Jiro Manio sa pagbenta ng Gawad Urian trophy: ‘Dala na rin ng hirap ng buhay’

“Pinipili ko po sa ngayon ‘yung mga tinatanggap ko po na pwedeng [project]… Hindi na po katulad nang dati na babad talaga ako sa TV,” lahad ni Jiro.

Aniya, rekomendasyon rin ng kanyang mga doktor sa rehab dahil baka maging sanhi to ng kanyang pagkakasakit.

“Pinagbawalan ng mga doctor sa rehab baka maging effect ng stress ko, magkasakit daw po ako ulit dahil hanggang ngayon, nag-te-take ako ng medicine,” sagot ni Jiro.

Dagdag pa niya, “Tsaka marami pong binawal sa akin.Bawal mapuyat, bawal masyado magalit. Bawal yung mga substance.”

Sinabi rin ni Jiro na bagamat marami siyang pinagdaanan ay wala siyang tampo sa showbiz industry.

“Parang feeling ko lang po, I need some space para makagawa ako ng sarili kong kagustuhan,” sey ng dating child star.

Read more...