Metro Manila nangunguna sa ‘Worst Traffic in the World’, ayon sa pag-aaral

Metro Manila nangunguna sa ‘Worst Traffic in the World’, ayon sa pag-aaral

INQUIRER file photo/Grig C. Montegrande

NUMBER one sa listahan ng “Worst Traffic in the World” ang Metro Manila.

Base sa 2023 TomTom Traffic Index, umaabot sa average na 25 minutes and 30 seconds ang pagmamaneho ng 10 kilometers sa Metro Manila.

Ito ay 50 seconds na mas mabagal kaysa sa naitala noong 2022.

Ayon pa sa pag-aaral, ang karaniwang ginugugol ng motorista sa Manila ay 240 hours ng pagmamaneho sa loob ng isang taon, kung saan ang 117 hours diyan ay naipit sa traffic.

Baka Bet Mo: Mga besh, knows n’yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?

Sabi nila, ang oras na nabanggit ay maaaring magamit sa pagbabasa ng 48 na libro.

Matindi ang traffic sa Metro Manila tuwing Biyernes ng gabi sa pagitan ng 5 p.m. at 6 p.m. na kung saan ay umaabot na ito sa 35 minutes and 30 seconds kada 10 kilometers.

Samantala, ikalawa sa listahan ng “World’s Worst Traffic of 2023” ang Lima, Peru na may average travel na 24 minutes and 20 second kada 10 kilometers.

Ang ikatlo ay ang Bengaluru in India (23 minutes, 50 seconds), pang-apat ang Sapporo ng Japan (23 minutes, 30 seconds), at ang panglima ay ang Bogota, Colombia (23 minutes, 30 seconds).

Ang bumubuo naman sa Top 10 ay ang mga lungsod sa Taiwan na Taichung at Kaohsiung, Mumbai at Prune ng India, at Nagoya sa Japan.

Nasa Top 15 naman ang Brussels, Belgium and Geneva, Switzerland, pati na rin ang Tokyo, Japan.

Baka Bet Mo: Stephen Speaks nilinaw ang isyu ukol sa traffic violation: I saved that kid from a traffic ticket he didn’t deserve

Para sa kaalaman ng marami, pinili at niranggo ang 387 na lungsod mula sa 55 na bansa at anim na kontinente.

“The Index aims to rank these cities based on their average travel time and provide free access to city-by-city information,” sey sa inilabas nilang pahayag kung paano nila tinukoy ang may pinakamatinding traffic sa buong mundo.

Paliwanag pa, “In the Traffic Index, we use a representative sample of this data, spanning 551 billion km, to assess and show how traffic has evolved in cities around the globe throughout 2023.” 

Read more...