Kim Chiu dinala sa ospital matapos gumaling sa COVID-19, anyare?

Kim Chiu dinala sa ospital matapos gumaling sa COVID-19, anyare?

PHOTOS: Instagram/@chinitaprincess

KAMUSTA na kaya ang TV host-actress na si Kim Chiu?

Kasalukuyan kasi siyang nasa ospital matapos tamaan ng COVID-19 kamakailan lang.

Makikita sa serye ng kanyang Instagram Stories na nakapag ehersisyo pa siya at nakapag-jogging ng 10 kilometers.

At sa huli ng kanyang post ay makikita naman ang litrato na may swero na siya sa kanang kamay at nasa ospital na.

Ang caption niya sa IG, “Not what I expected to end my day.”

Nagpasalamat din siya sa kanyang hair and makeup artist na si Haidee Fernandez na nagdala sa kanya sa ospital.

Baka Bet Mo: Xian Lim lagot sa matinding pasabog ni Kim Chiu, sey ni Cristy Fermin

PHOTOS: Instagram Stories/@chinitaprincess

Shinare din ni Haidee ang story ni Kim at sinabi na pinayuhan ang aktres na kailangang magpahinga ulit matapos gumaling sa COVID-19.

“Kakapahinga mo pa lang pero magpapahinga ka ulit daw [emoji],” saad sa post.

PHOTO: Instagram Story/@haidzfernandez

Magugunita na recently lamang ay nagpositibo sa nasabing virus ang aktres.

Actually, nalaman lang namin na tinamaan siya ng COVID-19 nang nagkaroon ng face-to-face presscon ang pinagbibidahan niyang teleserye na “Linlang” noong January 15.

Pati ang co-star niyang si Paulo Avelino ay positibo rin sa virus kaya via Zoom sila humarap sa entertainment media noong araw na ‘yun.

Samantala, ang teleserye version ng “Linlang” ay umiikot sa panloloko at pagtataksil ni Juliana (Kim) sa asawa niyang si Victor (Paulo), isang dating sikat na boksingero na naging seaman. 

Matutuklasan ni Victor na may ibang lalaki si Juliana at ito ay walang iba kung ‘di ang kapatid niyang si Alex (JM), isang matagumpay na abogado.

Magiging tanging misyon ni Victor ang maibulgar ang lahat ng sikreto nina Juliana at Alex pero kapalit naman nito ang pagdiskubre niya sa mga masalimuot na katotohanan na maaaring ikawasak ng kanyang pagkatao at pamilya.

Kasama sa cast ng “Linlang” sina Maricel Soriano at Ruby Ruiz, at ang isa sa rising stars ng ABS-CBN na si Kaila Estrada.

Kabilang din sa serye sina Jaime Fabregas, Raymond Bagatsing, Albie Casiño, Jake Ejercito, Heaven Peralejo, Adrian Lindayag, Race Matias, Benj Manalo, Lovely Abella, Frenchie Dy, Ross Pesigan, Hanna Lexie, Juno Advincula, Connie Virtucio, Lotlot Bustamante, Meann Espinosa, Danny Ramos, Bart Guingona, Marc Mcmahon, Anji Salvacion, at Kice.

Mapapanood ang “Linlang: The Teleserye Version” simula sa January 22, 8:45 p.m. pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Read more...