PALABAN talaga ang mga Pilipino na sumali sa Korean survival show na “Universe Ticket.”
Maliban kasi sa trainee na si Elisia Parmisano, pasok din sa upcoming K-Pop girl group na UNIS ang Pinay candidate na si Gehlee Dangca at ang Filipino-Korean na si Jin Hyeon-ju!
Yes, yes, yes mga ka-Bandera! Tatlo silang mga kababayan natin ang tuluyan nang naging K-Pop idols.
Noong January 17 nang inanunsyo ng talent show ang final lineup para sa UNIS.
Si Gehlee ang ika-apat na miyembro ng upcoming K-Pop group matapos maka-secure ng 2,464,526 fan votes.
At katulad din ni Elisia, siya ay umabot din sa “P-level,” ang highest ranking sa sinalihan nilang talent show.
Baka Bet Mo: Regine, Marian proud na proud kay Elisia Parmisano matapos maging K-Pop star
Si Hyeon-jun naman ang huling miyembro na nakapasok sa bagong grupo kung saan mayroon siyang 496,797 votes.
Ilan pa sa mga napabilang sa upcoming group ay sina Bang Yunha (South Korea), Nana (Japan), Lim Seowon (South Korea), Oh Yoona (South Korea), and Kotoko (Japan).
Ang project girl group ay nakatakdang mag-debut sometime this year.
Ang “Universe Ticket” ay may 82 contestants na nagmula sa iba’t-ibang parte ng mundo kabilang na ang South Korea, Japan, China, Philippines, Malaysia, Mongolia, Canada, Italy, Australia, Myanmar, Indonesia, at Vietnam.
Kabilang sa coaches ng talent competition ay ang South Korean solo artists na sina Adora at Younha, pati na rin ang singer-actress na si Kim Se-jeong, Girls’ Generation’s Hyoyeon and Lachica’s Rian.
Si Yeji at Chaeryeong naman ng ITZY ay nagsisilbing celebrity mentors ng show.