Premyadong cinematographer na si Romy Vitug pumanaw na sa edad 86

Premyadong cinematographer na si Romy Vitug pumanaw na sa edad 86

Romy Vitug

SUMAKABILANG-BUHAY na ang award-winning cinematographer na si Romy Vitug kahapon, January 18, 2024. Siya ay 86 years old.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Dana Vitug Taylor ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Kalakip nito ang pakiusap sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta sa kanyang tatay na sana’y ipagdasal ang movie at TV icon sa larangan ng cinematography pati na ang kanilang pamilya.

Narito ang kabuuang post ni Dana, “This morning at 6:11pm Philippine time, my TATAY, Romy V Vitug, passed away.

“He was known as the Legendary Cinematographer in the Philippines world of cinema but we have known him as our Dearly Beloved TATAY!”

Baka Bet Mo: Robi naghabilin kapag pumanaw ang lola sa mismong kasal nila ni Maiqui

“Please pray for me and my Family that GOD’S PEACE and COMFORT be upon us as we grieve and mourn for the loss of our Dearly Beloved TATAY.

“TATAY, we will surely miss you. We love you so much! This is not a goodbye but rather until we meet again!” mensahe ng anak ni Romy.

Matatandaang noong December 11, 2023, ay manawagan ng financial assistance sa publiko ang isa pang anak ni Romy na si Dolor Vitug matapos itong maospital.

Ibinahagi ni Dolor na tinamaan ng anemia hanggang sa magkaroon ng kumplikasyon ng pneumonia ang ace cinematographer ng Pilipinas kaya kinailangan itong ma-confine sa Gentri Medical Center and Hospital sa General Trias, Cavite.

Wala pang binabanggit ang pamilya ni Romy tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagpanaw.

Samantala, nag-post din ng mensahe ng pamamaalam sa social media ang kapwa cinematographer ni Romy na si Luke Miraflor.

“Si Sir Romy ang isa sa nag interview sa akin para makapasok sa Filipino Society of Cinematographers.

“Naalala ko na medyo nahihiya pa ako dahil wala pa ako masyadong projects nun panahon na iyon pero hindi ko makakalimutan yun sinabi niya sa akin nun napansin niya na kinakabahan ako.

“Bata ka pa at marami ka pang magagawa kaya wag lang hihinto”.

“Maraming salamat direk at patuloy ko aalahanin yun sinabi niyo. Rest in Peace,” pahayag ni Luke.

Si Romy ay isa siya sa itinuturing na pinakamahusay na cinematographer sa Pilipinas na namana niya sa namayapa na rin niyang ama na si Honesto Vitug, ang tinaguriang “Ama ng Philippine Photojournalism.”

Pinarangalan si Romy noong 2000 ng Lifetime Achievement Award sa Cinemanila International Film Festival, Natatanging Gawad Urian noong June, 2016, at Hall of Fame Award sa 45th Metro Manila Film Festival noong December, 2019.

Nagsimula ang kanyang TV at movie career noong 1969. Unang project niya bilang cinematographer ang “Hellow Soldier”, ang ikalawang kabanata ng trilogy movie ni Lino Brocka na “Tatlo, Dalawa, Isa” na ipinalabas noong 1974.

Siya ang cinematographer sa likod ng classic movies na “Pagputi ng Uwak Pag-itim ng Tagak” (1978), “Alamat ni Juan Makabayan” (1979), “Salome” (1981), “Kung Mahawi Man Ang Ulap” (1984), “Saan Nagtatago Ang Pag-ibig” (1987), “Hihintayin Kita sa Langit” (1991), “Ikaw Pa Lang Ang Minahal” (1992), at “Saan Ka Man Naroroon” (1999).

Read more...