POSIBLENG patay na ang nawawalang teacher at beauty queen na si Catherine Camilon, ayon sa pahayag ng pulisya.
Kasabay nito, kinumpirma ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) na tinanggal na sa serbisyo si Police Major Allan De Castro, ang prime suspect sa kaso ni Catherine.
Ngayong araw, January 18, inihayag ni PRO 4A chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, ang pagsibak kay De Castro effective January 16.
“Today, I would like to announce the dismissal of Police Major Allan de Castro from the PNP service effective January 16, 2024, signed by me, following an extensive investigation conducted by our Regional Internal Affairs Service 4A,” ayon kay Lucas sa panayam ng GMA News.
Baka Bet Mo: Pamilya ni Catherine Camilon humiling ng ‘privacy’ sa gitna ng paghahanap, imbestigasyon
Ilan sa mga rason ng pagtanggal sa opisyal ng PNP ay conduct unbecoming of a police officer at ang umano’y illicit at extramarital affair nito sa nawawalang beauty queen.
“The case against Police Major De Castro stemmed from allegations of conduct unbecoming of a police officer after a series of thorough investigation by the RIAS4A uncovering evidence of an illicit and extramarital affair between the respondent and the missing Catherine Camilon,” sabi ng opisyal.
Baka Bet Mo: Catherine Camilon huling nakitang naglalakad sa isang mall sa Lemery, dasal ng pamilya: ‘Sana makauwi na siya’
Bukod dito, nahaharap din sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention ang driver at bodyguard ni De Castro na si Jeffrey Magpantay, at dalawa pang katao na may kaugnayan sa pagkawala ni Catherine.
Samantala, base naman sa mga nakalap na statement ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A mula sa mga witness, malaki ang posibilidad na patay na raw si Catherine.
Sabi ni deputy chief Police Major Nilo Morallos, “We are hoping for the best, pero we are expecting the worst. Sa flow po ng investigation namin, hindi namin masasabi kung wala na talaga.
“Pero based po doon sa account ng witnesses namin, it appears na, iyon na nga po, patay na nga po,” aniya pa.
Noong October 12, 2023 pa napaulat ang pagkawala ni Catherine na sumali sa Miss Grand Philippines 2023 kung saan naging ka-batch niya si Herlene Budol.