Enchong naglinis sa pag-aaring resto katulong si Ogie Diaz; sinita ng sariling staff | Bandera

Enchong naglinis sa pag-aaring resto katulong si Ogie Diaz; sinita ng sariling staff

Reggee Bonoan - September 28, 2020 - 12:37 PM

“GINAWA KONG STAFF FOR A DAY SI OGIE DIAZ!”

Iyan ang titulo ng vlog ni Enchong Dee sa kanyang YouTube channel na wala pang 24 oras na-upload ay umabot na sa almost 22,000 ang views.

Sa pag-aaring Peri-Peri Restaurant UP Town Center branch pinagtrabaho ni Enchong ang kilalang talent manager-vlogger at host na si Ogie Diaz.

Ang akala ni Ogie ay ige-guest siya para sa Q&A portion ng latest vlog ni Enchong pero nasorpresa siya nang  gawin siyang isa sa mga staff ng t
resto.

Sa simula ay ipinakuwento ni Enchong sa kanyang valuable staff kung ano muna ang ginagawa sa resto nila bago magpapasok ng tao. Sagot ng mga tauhan ng aktor, dini-disinfect muna ang lahat mula labas ng restaurant hanggang papasok at lilinisan ang mga lamesa.

At dahil guest nga ni Enchong si Ogie ay pinahawakan na nito ang spray bottle at basahan para punasan ang mga salamin ng pintuan. Sabi ni Ogie, “Teka, wala sa usapan ‘to, ah?”

Sagot ni Enchong, “Ang next step ay pupunasan natin ang table.”

“Kasama ba ako?” nakangiwing sabi ni Ogie.

Kaya ang hirit ni Ogie kay Enchong, “Ikaw ba, talagang ginagawa mo ito o ginagamit mo lang ito for vlogging? Sadya ba paggising mo pumupunta ka sa mga restaurant mo para linisin lahat?”

Naging honest naman ang entrepreneur-actor, “Na-try ko once sa Megamall, pero kasi sa totoo lang di ba, hindi ka naman talaga gigising nang maaga.

“Kaya ko lang ginawa ngayon para ma-experience ko pa lalo at maintindihan ko ang proseso bago kami magbukas ng store. Masarap ang pakiramdam ng empleyado na nakikita mo ‘yung boss mo na kasama mo, kaagapay mo sa negosyo,” aniya.

At ang sunod na ginawa nang dalawa ay inilabas ang mga upuan at lamesa sa labas ng restaurant para sa mga naghihintay na makapasok sa loob at sa mga naghihintay ng take out orders.

Habang nagbubuhat si Ogie nagsabi itong, “Hindi lang ito pagpapakita para sa vlog kundi para ma-refresh din si Enchong kung gaano kahirap ang trabaho ng mga waiter.”

Pero palibhasa hindi naman talaga trabahador sina Ogie at Enchong hayun nasita sila ng staff na mali ang paglalagay nila ng mga lamesa at upuan, dapat daw may social distancing at dapat tig-2 upuan lang sa bawa’t mesa.

“Hayan nasita tuloy tayo. Ha-hahaha!” natawang sambit ng aktor.

Hirit naman ni Ogie sa staff, “Kanina ka pa ron? Kanina mo pa kami nakikita? Bakit hindi ka man lang tumulong (magbuhat), nakakaloka ka!”

Nang papasok na sila sa loob ng restaurant ay wala sa loob ni Ogie na tinanggal niya ang suot na slippers na ikinatawa ni Enchong, “Wag mo nang tanggalin.”

“Ay sorry akala ko bahay ko,” seryosong sagot naman ng komedyante.

“Ang sunod naman dito sa loob ay punasan natin ang tables and chairs,” saad ng aktor.

Pakiusap ni Ogie, “Baka puwedeng sa iba mo naman ibigay (ang trabaho).”

“Hindi kalahati lang (ang lilinisan nila),” say ni Enchong.

Nakakaapat na punas na sila ng lamesa at upuan kaya umangal na si Ogie, “Pang-apat na ito, ha.” “May extra rice ka later,” sagot naman ng binata.

Biglang ibinagsak ni Ogie ang spray bottle sabay dialogue ng, “Enchong na Enchong talaga (kuripot).”

Habang naglilinis ay natanong ng aktor si Ogie kung malaki siyang magbigay ng tip, “Depende, masarap magbigay (malaki) sa taong pinakitaan ka ng tama, matinong serbisyo at saka ng pagpapahalaga.”

Tama naman, di ba bossing Ervin? Kaya tanda mo kapag kumakain tayo sa labas palagi nating dinadagdagan ang tip kasi isipin mo kung tayo ‘yung nasa lugar nila lalo na kung maayos ang serbisyo.

Balik tanong ni Enchong, “Paano kung hindi mo nagustuhan ang experience mo sa first visit mo, bumabalik ka?”

“Hindi na ako bumabalik. Kasi siyempre ‘yung kapraningan ko na pagkatapos kong tumalak, e, baka babuyin na (inorder na pagkain),” esplika ni Ogie.

Sa rami na ng kanilang nalinis ay napansin ni Ogie na namuti na ang mga kamay niya dahil sa ginamit na kemikal. “Ay may extra sauce ka,” hirit ni Enchong na ikinaloka ni Ogie.

Pagkatapos ay sinabi ng aktor na magwawalis na sila at magma-mop, “Hindi pa ba ito malinis? Dapat nililinis n’yo (staff) na ito. Sa akin tuloy pinapagawa!” medyo iritang sabi na ni Ogie.

“Kailangan kasi natin itong ma-experience, ikaw magwalis, ako mop,” say naman ng aktor.

“Ano ba pinaggagawa ng mga staff mo, bakit sa akin mo lahat pinagagawa?” tanong ng talent manager kay Enchong.

“Ay baka ma-bash na niya ako after this one,” birong sabi ng binata na ikinatawa naman ni Ogie.

Seryosong tanong din ni Enchong kung nakakita na siya ng buhok sa inorder nitong pagkain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabilis na sagot ni Ogie, “Ay oo madalas, kulot at matigas pa (buhok), sabi ko, kaka-ahit lang nito.” At sobrang napahalakhak si Enchong dahil ibang buhok pala ang binabanggit ng una.

Marami pa silang napag-usapan kaya panoorin na lang ang video sa YouTube channel ni Enchong Dee.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending