Direk Joel: Bumalik sa dating kalagayang kalunus-lunos ang mga sinehan

Direk Joel: Bumalik sa dating kalagayang kalunus-unos ang mga sinehan

Joel Lamangan

NANG mapadaan kami sa Gateway Cinemas sa Cubao, Quezon City kamakailan ay marami nang mga bagong pelikulang mapapanood.

Natapos na kasi ang Metro Manila Film Festival 2023 noong January 14 at kapansin-pansin na konti na lang ang mga tao.

Napansin din pala ito ng premyadong direktor at aktor na si Joel Lamangan at ipinost niya sa kanyang Facebook account ang kanyang hinaing at panawagan sa gobyerno.

Aniya, “Natapos na ang MMFF, unti unting nawala na din ang manonood ng pelikula. Maraming dahilan ang sinasabi:

“1) Katatapos lang daw ng gastusan

“2) Pagod pa ang mga tao dahil sa nakaraang Pasko at Bagong Taon

“3) Wala ng selebrasyong idinadaos kaya walang tao sa sinehan

“4) Nagsawa na ang tao sa panonood ng sine pagkatapos ng Pasko at Bagong taon

“5) Hindi exciting ang mga ipinalabas na sine nitong nakaraang Pasko. Ano ba talaga ang dahilan? Gayong noong mga nakaraang taon at panahon ay pinag-aagawan ang playdate na pagkatapos ng MMFF. Kumita ang banyaga at Pilipinong sine na ipinalabas.

Baka Bet Mo: Joel Lamangan imbiyerna sa mga artistang tanga: Pero lahat ng tinarayan ko sumikat

“Pumunta ako at tiningnan ang kalagayan ng Sineng Pinoy na ipinalabas pagkatapos ng MMFF. Nanlumo ako dahil bumalik sa dating kalagayang kalunos lunos ang mga sinehan. WALANG NANUNUOD!!!!

“Tiningnan ko ang presyo ng tiket! Mataas pa rin, hindi abot ng karaniwang Pilipino na manonood. Walang ginagawang hakbang ang pamahalaan upang mapababa ang halaga ng panonood ng mga obra ng mga manlilikhang Pinoy.


“Sinigaw ko na dito sa facebook ang suliraning ito. Maraming sumangayon. Kinakailangan ang sama-samang pagkilos upang gulantangin ang kinauukulan para maibalik ang pinakamurang uri ng entetainment sa tao.

Baka Bet Mo: Kris Aquino nagbigay update ukol sa sakit, may pakiusap kay PNoy: Please help me to survive this

“Hindi kaya ng ordinaryong mangagawa, mangingisda, tindera, empleyado, estudyante, atbp mahina ang kita ang halaga ng tiket.

“Kawawa ang Industriya ng Pelikulang Pilipino, kailangang tulungan ng pamahalaan sa pamagitan ng Kongreso na gumawa ng batas na magre-regulate ng presyo ng tiket sa sinehan.

“Kung nagagawa ito sa ibang produkto kagaya ng asukal, bigas, bawang, sibuyas atbp ang sine ay importanteng pagkain ng isip at puso ng manonood na Pinoy! Sa ibang bansa ay nagagawa ito.

“Sana ay magawa din dito sa atin! Sama sana tayong manawagan sa mga kinauukulan, lalong lalo na doon sa mga nangaling sa Industriya ng sineng Pilipino!

“Kundi man ay manawagan sa Pangulo upang matulungan ang ating mahal na industriya. Sana ay maibalik sa 150 o 200 pesos ang halaga ng tiket! Ibalik natin ang mga panahon na dinudumog ng tao ang sinehan para sa kanilang “entertainment” KAILANGAN ANG SAMA SAMANG PAGKILOS!” ang mahabang panawagan ng direktor.

Sa kasalukuyan ay napapanood pa rin si direk Joel sa “FPJ’s Batang Quiapo” na tila mas gusto na munang umarte sa harap ng kamera kaysa magdirek dahil sa kalagayan ngayon ng showbiz industry.

Read more...