LABAN kung laban sa takilya ang comeback movie ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na “Rewind.”
As of January 17, kumita na ito ng P815 million sa local ticket sales!
Dahil diyan, ito na ang naging highest-grossing Filipino film pagdating sa domestic box-office.
Natalo na nito ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kumita ng P691 million noong 2019, pati na rin ang “The Hows of Us” ng KathNiel na may P690 million box-office noong 2018.
“#SalamatLods! Damang dama namin ang greatest love Mo! [emojis],” mensahe ng Star Cinema matapos ang good news.
Baka Bet Mo: Marian, Dingdong extra challenge ang halikan sa ‘Rewind’: ‘Ang weird lang!’
Wika pa sa Facebook post, “In Philippine domestic sales, #RewindMMFF IS NOW THE HIGHEST GROSSING FILIPINO FILM OF ALL TIME! [emoji]”
“And as of 3PM [Jan. 17], the worldwide total gross of ‘Rewind’ is PHP 845 Million,” ani pa
Maliban sa Pilipinas, showing din ang “Rewind” sa USA, Canada, Guam, at Spain na kumita na ng P845 million at mukhang malalagpasan ulit nito ang “Hello, Love Goodbye” na may total gross worldwide na P880 million.
If ever nga na tumabo ang pelikula nina Marian at Dingdong ay ito na ang magiging “highest-grossing Filipino film of all time.”
Sa isang Instagram post matapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023, lubos na pinasalamatan ni Dingdong ang moviegoers na na-appreciate ang sampung entry ng film festival.
“A heartfelt thank you to the audience and moviegoers for believing in the magic of movies and for appreciating these films during the festival,” mensahe niya sa post.
Bukod diyan, isa-isa rin niyang pinasalamatan ang lahat ng bumubuo sa pinagbidahang pelikula, pati na rin sa naging tagumpay ng MMFF 2023.
Baka Bet Mo: DongYan hinintay ng Star Cinema para sa ‘Rewind’: ‘Sila ang first choice’
“Now, as the curtain falls on the MMFF, I extend a salute to the ten films that courageously shared their beautiful stories. These films are destined to be timeless pieces, outliving us all. It’s an honor to be part of the historic 49th MMF,” lahad niya sa IG.
Naging special mention din siyempre ang kanyang ka-loveteam at asawa na si Marian.
Sey niya, “Accomplishing this mission alongside you, my wife is a rare privilege, one that I believe comes once in a lifetime. I am genuinely grateful for this extraordinary experience, forever holding a special place in my heart.”
Isa ang “Rewind” sa 10 official entry sa MMFF 2023 na nagsilbi ring reunion and comeback movie ng DongYan after 13 years. Ito’y mula sa direksyon ni Mae Cruz Alviar.