NA-ENJOY nang bonggang-bongga ni Donny Pangilinan ang pagiging aktor at producer sa upcoming film na “Good Game: The Movie.”
Kaya ang hiling at dasal niya ay ma-enjoy at ma-entertain din ang mga manonood sa kanilang ipinagmamalaking pelikula kung saan makakasama rin niya ang mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.
Kuwento ni Donny sa nakaraang presscon ng “Good Game” o “GG”, nagamit din niya sa pelikula ang kanyang pagiging gamer dahil isang talented and aspiring pro gamer ang role niya rito.
“Sobrang iba kasi itong role na ito, mahilig ako sa games dati as a child pero it’s different kasi pag esports pros na talaga and I think we really had to have a lot of preparation for this. Kasi hindi naman ako hardcore gamer na pro talaga,” chika ng binata.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan game na game mag-experiment bilang aktor; umaming na-pressure nang unang sumabak sa showbiz
“I play the role of Seth, yung gamer tag ko ay Escape. Siyempre part rin ako ng Tokwa’t Bad Boys. Isa rin akong aspiring pro-gamer. So, nakikita niyo naman sa trailer na medyo adik ako maglaro and medyo magaling din talaga ako maglaro.
“Magaling talaga si Seth. Makikita natin dito kung paano ko nababalanse lahat ng aspeto ng buhay ko, hindi lang yung gaming. Siyempre may pamilya, may barkada, may schooling and everything. And we will see just how it all falls into place,” aniya pa.
“I had a blast working with my mom. Medyo awkward minsan pero okay naman. Minsan hindi nagsi-sink in sa eksena na nanay ko yun eh. Kasi ayoko isipin. Kasi hindi kami close dito.
“Hindi ko iisipin na nanay ko siya kasi pag inisip ko yun eh di yung mga nuances namin maiiba. Pero ang galing kasi sobrang talaga sa amin in real life because mommy’s boy ako and dito kasi (sa pelikula) may problema kami.
“Masaya lang. Siyempre it’s a privilege talaga na makasama ko si Maricel Laxa sa isang pelikula. Matagal ko ng dream ito eh and I’m really glad na finally reality talaga. Hindi lang game but in real life,” pahayag ni Donny.
Baka Bet Mo: Yassi Pressman rumesbak sa body shamers, umamin sa tunay na timbang: Love yourself!
Isa pa sa hindi makakalimutan ng aktor sa pelikula ay ang makatrabaho ang yumaong veteran actor na si Ronaldo Valdez na gumaganap na lolo niya sa kuwento.
“Sobrang privileged ko because I was able to work with him. He was such a joy to have on set. Ang dami niyang jokes. He was very fun to be with and made us feel very comfortable around him.
“Kahit na dito medyo strict siya on set, medyo malalim yung sinasabi niya, offscreen naman hindi yun yung napi-feel ko at all. And I’m just glad that we were blessed with his presence during the whole making of the film,” pagbabahagi pa ng ka-loveteam ni Belle Mariano sa “Can’t Buy Me Love” series.
Kasama rin sa “Good Game” sina Baron Geisler, Boots Anson-Rodrigo, Igi Boy Flores, Johannes Rossler, Gold Aseron, at Kaleb Ong. Showing na ito sa January 24.
This is produced by Mediaworks, Cignal Entertainment, and Create Cinema, in collaboration with Smart, Predator Gaming, Acer, Rudy Project, Volvo, and Chatime Philippines and to be distributed by Star Cinema.