Marina Summers pambato ng Pinas sa ‘Drag Race UK vs the World’

Marina Summers pambato ng Pinas sa Drag Race UK vs the World

Marina Summers (Facebook Photo)

SASABAK ang Pinay Drag queen na si Marina Summers bilang representative ng Pilipinas sa ‘Drag Race UK vs the World’ Season 2.

Sa latest cast ‘ru-veal’ ng naturang show, makikitang ibinandera ng “Filipina winnuh” ang kanyang very elegant blue gown na inspired sa winning look ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

“I wanna show the universe, the WORLD rather, that I am a true Filipina Winnah!” saad ni Marina sa kanyang Facebook post na halos katunog ng winning answer ni Pia noong sumali siya sa Miss Universe.

Proud ring ipinasilip ng stylist na si Paul Sese ang kanilang fitting sessions kasama ang Pinoy designer na si Albert Andrada.

Baka Bet Mo: Drag Race PH winner Precious Paula Nicole feeling ‘Superman’, balak magpatayo ng ‘drag university’

Si Albert Andrada ang nag-design ng iconic blue gown na isinuot ni Pia na siyang naging inspirasyon ni Marina.

Kabilang si Marina Summers sa 11 drag queens na susubukang maiuwi ang korona.

Ang iba pang mga drag queens na kanyang makakasama ay sina Arantxa Castilla-La Mancha ng Spain, Hannah Conda ng Australia, Keta Minaj ng Holland, La Grande Dame ng France, Mayhem Miller at Scarlet Envy ng USA.

Ka-join rin ni Marina ang drag queens ng United Kingdown na sina Gothy Kendoll, Tia Kofi, Jonbers Blonde, and Choriza May.

Nagtapos ang journey ni Marina Summers sa kauna-unahang season ng “Drag Race Philippines” bilang runner-up matapos masungkit ni Precious Paula Nicole ang pagkapanalo sa naturang kompetisyon.

Read more...