Tom Holland, Zendaya hindi totoong naghiwalay na

Tom Holland, Zendaya hindi totoong naghiwalay na

Pauline del Rosario |January 14,2024
facebook
share this

Tom Holland, Zendaya hindi totoong naghiwalay na

Pauline del Rosario - January 14, 2024 - 05:49 PM

Tom Holland, Zendaya hindi totoong naghiwalay na

PHOTO: Instagram/@zendaya

FAKE news ang kumakalat na breakup rumors sa pagitan ng “Spider-man” star na si Tom Holland at girlfriend niyang international singer-actress na si Zendaya.

Sa isang interview ng TMZ, natanong mismo si Tom kung totoong hiwalay na sila ng singer.

Dalawang salita lang ang deretsahang sinagot ng aktor, “Absolutely not.”

Nag-umpisa ang chikang hiwalay na ang dalawa matapos tanggalin ni Zendaya ang lahat ng kanyang fina-follow sa Instagram, kabilang na ang kanyang boyfriend.

May iilang international outlets din ang nagbabalita na hindi na nakikitang magkasama ang dalawa.

Baka Bet Mo: Timothée Chalamet, Zendaya magtatambal sa bagong pelikula ng ‘Dune’

Matatandaan noong Hunyo, ipinaliwanag ni Tom sa isang panayam sa Hollywood Reporter na ang kanyang personal matters, lalong-lalo na ang kanyang relasyon with Spider-man co-star ay isang bagay na talaga namang pinoprotektahan niya.

“Our relationship is something that we are incredibly protective of and that we want to keep as sacred as possible,” sey niya.

Paliwanag niya, “We don’t think that we owe it to anyone; it’s our thing, and it has nothing to do with our careers.”

Binanggit din ito ni Zendaya sa naging interview niya noong nakaraang taon with Elle Magazine at sinabi pa na pwede niyang piliin ang mga nais niyang ibahagi sa publiko sa kabila ng pagiging public figure.

“Parts of my life, I accept, are going to be public. I can’t not be a person and live my life and love the person I love,” sambit niya.

Patuloy niya, “But also, I do have control over what I choose to share.”

“It’s about protecting the peace and letting things be your own but also not being afraid to exist. You can’t hide. That’s not fun, either. I am navigating it more than ever now,” ani pa ng aktres.

Maaalalang taong 2016 nang unang magkakilala ang dalawa nang magtambal sa “Spider-man: Homecoming.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas ang isang taon ay may bali-balita na nga na nagde-date na sina Tom at Zendaya, at taong 2021 nang opisyal na nilang nilantad ang tunay nilang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending