OPISYAL nang isang “Mrs. Manuel” ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro!
Ikinasal na kasi siya sa kanyang non-showbiz fiancé na si Riel Manuel na naganap sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati noong January 12.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinasilip ni Valeen ang ilan sa mga kaganapan ng kanyang intimate wedding –mula sa wedding preparations, reception at after-party.
Makikita rin sa posts ang suot-suot niyang bonggang off-shoulders serpentina wedding gown, habang ang kanyang mister ay gwapong-gwapo sa kanyang black suit.
Baka Bet Mo: Hugot ni Valeen para sa mga babaeng may buhok sa kilikili: Body hair is normal, it’s natural, pag-usapan natin ‘yan!
Ilan lamang sa mga kapwa-celebrities na present sa kasal ay sina Mavy Legaspi, Carla Abellana, Ashley Rivera at Ina Feleo na ibinandera ang kanilang “well-wishes” at “congratulatory” message sa kanilang IG pages.
Ang primetime actress na si Carla, nag-post pa nga ng video habang naglalakad sa aisle ang kanyang kaibigan.
Caption pa niya, “Oh Val, I can’t even begin to express how absolutely happy I am for you and Riel.”
Spotted din sa special event ang batikang komedyante na si Michael V at comedienne-actress na si Chariz Solomon, pati na rin ang dating ka-Bubble members na sina Dasuri Choi at Lovely Abella.
Baka Bet Mo: Hindi po kami inabandona ni Arjo at sana’y wag n’yo kaming husgahan agad — Manuel Chua
Kung maaalala bago ang kasal, ibinandera ni Valeen ang naging beach trip nila ng mister at sabay sabi na ilang araw nalang ang aantayin nila para sa kanilang road to forever.
Taong 2018 nang nag-umpisang mag-date ang dalawa at noong nakaraang taon ay inamin ng aktres na hinihintay nalang niyang mag-propose si Riel sa kanya.