Sanya Lopez ayaw pang magka-lovelife: ‘Ang hirap na hindi mo mabigyan ng oras’

Sanya Lopez ayaw pang magka-lovelife: ‘Ang hirap na hindi mo mabigyan ng oras’

PHOTO: Instagram/@sanyalopez

WORK, work, work muna ngayong 2024 ang aktres na si Sanya Lopez.

‘Yan ang sinabi niya mismo sa naging panayam sa podcast na “Updated with Nelson Canlas” kamakailan lang.

Ayon sa kanya, mas gusto niyang i-priority ang kanyang karera kaysa sa magkaroon ng lovelife.

Iginiit din niya na kasalukuyan siyang happy sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

“Parang hindi pa ko umabot sa part na gustong gusto ko na [lovelife] ‘yung parang sige na ibigay niyo na sakin ‘to, hindi pa naman ako umabot sa ganon,” sey ni Sanya.

Ani pa niya, “Ayoko rin namang umabot kasi so far lahat ng nangyayari sa akin happy talaga ako.”

Baka Bet Mo: Sanya Lopez inaming ‘ideal man’ si Daniel Padilla

Nabanggit din ng aktres na sakaling magkaroon siya ng dyowa ay mukhang hindi niya kayang ma-fulfill ang ilang demands pagdating sa isang romantic relationship.

“Hanggang ngayon hindi pa binibigay satin, ang sabi daw kapag swerte ka sa career talagang pagdating sa love life mailap,” sambit niya.

Wika pa niya, “Parang ang hirap pumasok sa isang love life na hindi mo maibigay ‘yung tamang oras para sa kanya.”

“Parang nabanggit ko ‘yun before na kapag may binigay sakin isang bagay focus talaga ako doon, kaya ‘nung binigay sakin ‘yung trabaho talagang tutok ako dito,” dagdag pa ng aktres.

Nag-open up din si Sanya na ilang beses na rin siyang sumubok na magkaroon ng lovelife, pero pakiramdam niya ay hindi talaga ito ang kanyang prayoridad sa buhay ngayon.

“Nagkaroon rin ako ng lovelife, dumating rin naman tayo sa lumalove life. Kaya lang ‘yung may mga moment talaga na ang demand nila sakin time kasi mas nagfo-focus talaga ako kung ano yung pinaka feeling ko priority [trabaho],” pagbabahagi niya.

Dagdag niya, “Naniniwala kasi ako na kapag para sayo kahit na anong bagay tao man o ‘yung trabaho o kahit na ano, kapag para sayo ibibigay talaga para sayo ‘yun at hihintayin ko ‘yung bagay na ‘yun.”

“Kasi kahit anong mangyari kahit na may humarang, basta para sayo sayo ‘yun,” ani pa niya.

Read more...