NAGLABAS ng bagong kanta tungkol sa kanyang “adulting experiences” ang music artist na si Leah Halili.
Ito ay kanyang isinalaysay sa bago niyang single na pinamagatang “Change” na mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide simula January 13.
Ayon kay Leah, ang new single ay kanyang repleksyon ng mga hinarap niyang pagsubok at paghihirap ng kanyang buhay kamakailan lang.
Ang kanta rin daw ay nagsisilbing love letter para sa mga pagbabagong pinagdadaanan ng isang tao tungo sa pagtanda o adulthood.
At gaya sa mensahe ng kanta ni Leah, kailangang malampasan ng mga tao ang mga dumarating na hamon sa buhay upang magawang tanggapin din ang pakiramdam ng pagbabago.
Baka Bet Mo: Josh Cullen sa single na ‘Get Right’: It’s a declaration of my return sa solo journey ko
“With ‘Change,’ she wants to document her learnings through years of surmounting anxiety and fear, from embracing transformation in life without inhibitions to pushing a lever and switching paths—all in the name of new beginnings,” saad sa inilabas na pahayag.
Sey pa ng Pinoy singer-songwriter, “The song touches on the brevity of life and the richness of experiences.”
“It emphasizes the belief in enduring truths despite pain, focusing on the positive and hope that surround us,” ani pa niya.
Dagdag ni Leah, “For this specific track, I wanted to achieve something really different compared to my previous singles: ambient, soft sounds with echoey vocals and a little bit of electric, dancey vibe.”
“But at the center of it all is a pop tune that fits well with my personality. It’s still very me,” paliwanag niya.
Para sa kaalaman ng marami, si Leah ay parte rin ng OPM band na “Ransom Collective” bilang bassist at vocalist.