SA sobrang naging abala ni Eric Quizon sa trabaho, lalo na sa pagiging administrator/executor sa naiwang properties ng amang si Dolphy Vera Quizon ay inaming hindi na niya naisip magkaroon ng pamilya.
Apat na taon na lang ay mae-enjoy na ni Eric ang 20% discount bilang senior citizen.
Natanong ni Ogie Diaz si Eric sa one-one-one interview niya sa YouTube channel nitong “Ogie Diaz Inspires” na mayroon ng mahigit 958,000 views kung choice ba ng director/actor/producer na hindi siya mag-anak.
“To be honest it came to a point na I wanted to do surrogacy. Kasi kapag surrogacy iniisip ko less problema, baby lang ang iisipin ko. However, ang nangyari kasi my dad died, so, I was asked to take over, ako ‘yung parang executor ng estate.
“If you notice hindi ako masyadong lumalabas kasi nga inilagay ko ‘yung time ko sa pag-handle ng estate,” esplika ni Eric.
Nabanggit pa niya na kahit siya ang administrator o namamahala ay hindi siya ang nagde-decide kundi manggagaling ito sa kanilang 18 children na naiwang ni Mang Dolphy.
Baka Bet Mo: Eric Quizon feeling ‘instant tatay’ sa 32 miyembro ng Starkada talent center ng NET25
Going back sa hindi pagkakaroon ng anak ni Eric tanong ni Ogie, “dahil sa task mo ay hindi mo na nabigyan ng chance ang sarili mo?”
“Oo nga, ni isa wala ako, pero alam mo anong nangyari? Instantly para akong biglang naging tatay kasi I accepted this work now with NET25 as a talent head of Star Center, instantly mayroon akong 32 kids.
“Naiintindihan ko na kung paano maging stage father. Alam ko na ‘yung (feeling) na kapag nagpe-perform (sila) kinakabahan ako parang anak mo, eh,” paliwanag ng aktor.
Sey pa niya, “So, yes I must admit na because of that (daming work) hindi ko na naisip ‘yun (magkaroon ng anak), siguro I was not meant to have my own but to adopt new kids.”
Aminadong walang background sa pagha-handle ng talents si Eric, pero humihingi siya ng payo sa mga kilalang talent managers tulad nina Ms. Dolor Guevarra na manager niya, Ms. June Rufino na manager ni Luis Manzano at iba pa, Shirley Quan na manager ni Bea Alonzo at si Ogie na maraming experiences na sa pagma-manage ng mga kilalang artista tulad nina Vice Ganda, Liza Soberano at Konsehala Aiko Melendez.
“Nakikita ko kung paano kayo mag-handle ng talents and never in my wildest dreams na iniisip ko na mag-handle ako ng talents,” diin ni Eric.
Pero sa kabilang banda ay naisip din niyang magtayo ng school or summer program workshops with the help of his friends from the industry.
At sa 32 kids ay inamin ni Eric na hindi maiwasang may favoritism, “but I give them equal opportunity, gusto ko lahat sila magkaroon ng purpose, magkaroon ng drive, i-instill ko ‘yun sa kanila.”
Baka Bet Mo: Jomari hindi inaakalang makakabalikan si Abby Viduya: Never naming naisip ‘yun
Natawa si Eric sa tanong ni Ogie kung anong klaseng favorite ang sinasabi ni Eric, “mayroon akong favorite dahil sa itsura or nagagandahan ako sa kanya or she reminds me of someone close to me. Meron isa kamukha talaga ng naging partner ko na alaga mo, ha, ha, ha.”
“Si Aiko?” tanong ni Ogie.
Inamin ni Eric na plinano niyang ligawan si Aiko ang kaso naisip niya na 9 years ang agwat ng edad nila.
“Naging close kami kasi naging magka-loveteam kami. There was a time na parang meron at nagkita pa kami sa Hongkong pero nakita ko ‘yung age difference namin at naisip ko na parang pedophile naman ang dating ko, pero naging magkaibigan kami na to the point na hindi namin nilalagyan ng malisya ‘yung closeness namin na hihiga ako sa lap niya at hihiga rin siya sa lap ko,”kuwento ni Eric.
Sa kasalukuyan ay tanggap na ni Eric na magiging mag-isa siya sa buhay dahil nasanay siyang maging independent.
“Hindi ako nasanay na may kasama sa bahay, gusto ko ‘yung mag-isa, meron ako ganu’n factors kaya siguro ganyan. Wala akong mental health issue,” katwiran ni Eric.