SUNSHINE DIZON ulirang ina at asawa: Una pa rin siyempre ang pamilya ko bago ang lahat! | Bandera

SUNSHINE DIZON ulirang ina at asawa: Una pa rin siyempre ang pamilya ko bago ang lahat!

Ervin Santiago - October 30, 2013 - 03:00 AM


PUMAYAT na si Sunshine Dizon, at tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagbabawas ng timbang para maibalik ang dati niyang balingkinitang katawan.

Present si Shine sa presscon ng bago niyang GMA Afternoon Prime series na Villa Quintana na magsisimula na sa darating na Lunes, gaganap siyang asawa ni Raymart Santiago sa kuwento.

Natanong ang aktres kung kumusta naman si Raymart bilang partner sa soap opera, nararamdaman ba niya ang dala-dalang problema ng aktor sa dating asawa nitong si Claudine Barretto, “He’s very okay! He’s very okay,” matipid na tugon ni Sunshine.

May komento ba siya sa mga tulad ni Raymart na nakakaaway ang mga dating partner at humahantong pa sa demandahan? “Parang it’s so insenstive of me naman to answer that question!”

Pero nalulungkot daw siya kapag nakakarinig siya ng mga ganitong uri ng kuwento, lalo sa mga kasamahan niya sa showbiz, “Siyempre naman, always. Parang pag hindi ka naman malungkot, pag masaya ka, parang hindi naman yata normal yun!”

Hindi naman daw totoo ang mga tsismis na nagkakalabuan na rin sila ng kanyang asawang si Timothy Tan. Maayos na maayos daw ang kanilang pagsasama.

Tatlong taon na silang kasal at biniyayaan ng dalawang anak, sina Doreen, 2 taong gulang, at Antonio, 1. Anong sikreto ng kanilang maayos na relasyon, “Siguro, kasi my husband and I are very good friends.

And then our communication lines are always open. We talk about everything. “I think what holds us together is our friendship, e, more than anything. Magkaibigan kami ng asawa ko,” chika pa ni Shine.

Nag-aaway din daw silang mag-asawa paminsan-minsan, “Oo, pero petty things lang, nothing big. Wala lang, mga… wala namang… nothing major. It’s more of, hindi kami nag-aaway, e.”

Sobrang suportado rin daw siya ng kanyang asawa sa lahat ng ginagawa niya, “Tsaka since now that I’m working again, I include my husband in all my decision-makings.

“Tsaka I see to it that, you know, my obligation to my family is fulfilled, no matter what. That comes first more than anything else,” sabi pa ni Sunshine Dizon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending