Rep. Ralph Recto itinalagang bagong finance secretary

Rep. Ralph Recto itinalagang bagong finance secretary

PHOTO: Facebook/Ralph Recto

MAY napili na si Pangulong Bongbong Marcos na bagong uupong hepe para sa Department of Finance (DOF).

Kinumpirma ng Malacañang na ang itinalagang bagong finance secretary ay ang Deputy Speaker at Batangas Representative na si Ralph Recto.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nakatakdang manumpa sa pwesto si Rep. Ralph ngayong January 12.

Kasabay niya ang business tycoon na si Frederick Go na magsisilbing bagong economic czar ng administrasyong Marcos.

“Rep. Ralph Recto and Frederick Go are scheduled to take their oath tomorrow (Jan. 11) before President Ferdinand R. Marcos Jr. as Secretary of Finance and Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, respectively,” sey ni Garafil sa isang mensahe na ipinadala sa reporters.

Baka Bet Mo: Recto: P16B para sa kampanya kontra communist party, hindi sa community pantry

Si Recto ay ang ipinalit kay Benjamin Diokno na magbabalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang miyembro ng Monetary Board.

Kumalat ang bali-balitang papalitan ni Recto ang dating finance secretary mula nang makasama ni Pangulong Marcos ang mambabatas sa kanyang trip sa United States para sa Asia-Pacific Economic Cooperation Forum na naganap noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Para sa mga hindi masyadong aware, si Recto ay dating senador at naging hepe ng National Economic and Development Authority sa maikling panahon during the administration ng dating presidente na si Gloria Macapagal Arroyo.

Ang mambabatas ang ikalawang miyembro ng House of Representatives na itinalaga ngi Pangulong Marcos sa Presidential Cabinet.

Ang nauna kay Recto ay ang dating Valenzuela Representative na si Rex Gatchalian bilang social welfare secretary.

Read more...