Taong malapit kay Xian nagbunyi nang maghiwalay sila ni Kim, may 3rd party?

Taong malapit kay Xian nagbunyi nang maghiwalay sila ni Kim, may 3rd party?

Xian Lim at Kim Chiu

SINO kaya ang taong sobrang natutuwa ngayong pormal nang inamin nina Xian Lim at Kim Chiu na hiwalay na sila?

May nagtsika sa amin na hanggang tenga raw ang ngiti ng taong malapit kay Xian nang aminin na sa publiko ang tunay na estado nila ni Kim.

“Pero siyempre lihim lang, hindi naman ito aaminin ni Xian pero malalaman din ito soon dahil wala namang lihim na hindi nabubunyag,” mariing sabi ng aming source.

Tinanong namin kung kaanak ng aktor ang masaya sa paghihiwalay nila ni Kim.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Xian Lim matagal nang hindi nagpo-post ng couple photos, hirit ng netizens: Mukhang hiwalay na nga!?

“Ay hindi! Ibang tao, pero malapit siya kay Xian at malapit din naman ang aktor sa kanya,” may panunuksong sagot ng aming kausap.

Hmmmm, may third party ba sa hiwalayan ng KimXi?


“Wait mo na lang kung ano ang sagot soon!” natatawang sabi ng aming source.

Baka Bet Mo: Xian Lim, Kim Chiu 2 buwan nang hiwalay, walang third party pero…

Sa madaling salita hindi sa parte ni Kim ang sinasabing may third party kundi sa panig ni Xian?

Tanda namin ay itinanggi na ito nu’ng sinasabing girl na taga-Viva na umano’y dahilan ng hiwalayan ng KimXi.

“Hindi naman talaga siya! Abangan mo nga, kulit mo!” natatawang sagot ng aming kausap.

Naku, ito kaya ‘yung sinasabi ni Nanay Cristy Fermin na kapag nagsalita si Kim tungkol sa tunay na rason ng paghihiwalay nila ni Xian ay delikado ang karera ng aktor?

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Xian tungkol sa umano’y siya ang may third party sa breakup nila ni Kim.

Read more...