Manila LGU walang balak humingi ng kapalit ni Mali sa Sri Lanka

Manila LGU walang balak humingi ng kapalit ni Mali sa Sri Lanka

Mali in Manila Zoo. JOAN BONDOC/INQUIRER

NILINAW ni Manila City Mayor Honey Lacuna nitong Martes, January 9, na hindi humihingi ang lungsod ng Maynila ng bagong elepante sa Sri Lankan government kapalit ni Mali.

Matatandaang noong November 2023 nang pumanaw ang nag-iisang elepante ng Pilipinas na mahigit apat na dekada ring naging parte ng kabataan ng bawat Pilipino lalo na ng mga batang nakapunta na sa Manila Zoo.

Saad ni Mayor Honey, nagpadala lamang sila ng sulat sa Sri Lankan government upang ipabatid na namayapa na si Mali.

Pagbibigay diin niya, wala silang binanggit sa sulat na humihingi sila ng kapalit ni Mali sa Manila Zoo.

Sa ngayon ay wala pa rin namang tugon ang Sri Lanka sa sulat na ipinadala ni Mayor Lacuna.

Baka Bet Mo: Maynila hihingi ng mga elepante sa Sri Lanka, mga buto ni Mali ipe-preserve

Bandera IG

Sa kabila nito ay sinabi naman ni Mayor Honey na natatandaan niya na noong termano pa ni Isko Moreno ay isang ambassador mula sa Sri Lanka ang nagsabi na ready silang mag-donate ng panibagong elepante sakaling may mangyari kay Mali.

Ayon pa sa Manila mayor, kinikilala nila ang mga opinyon ng bawat isa ukol sa pagkakaroon ng bagong elepante sa Manila Zoo.

At kung sakaling pagkakatiwalaan ulit ng Sri Lankan government ang Manila LGU ng panibagong elepante sa Manila Zoo ay malugod nilang ipagpapasalamat.

Si Mali ay tatlong taong gulang lamang nang ipadala ito sa Pilipinas noong 1970s.

Read more...