McCoy sa Traslacion 2024: Wala akong masabi kundi salamat Poong Nazareno!

McCoy sa Traslacion 2024: Wala akong masabi kundi salamat Poong Nazareno!

McCoy de Leon at Felize de Leon

MULING nakilahok ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon sa naganap na Traslacion 2024 kahapon makalipas ang tatlong taon.

Maraming deboto ng Itim Na Nazareno ang natuwa at mas na-inspire nang makita nila ang aktor na naki-join sa prusisyon na nagsimula sa Quirino Grandstand at nagtapos sa Quiapo Church.

Nagbahagi si McCoy ng ilang litrato at isang video sa kanyang Instagram kung saan makikita kung paano siya nakipagsiksikan sa mga kapwa deboto para masilayan ang Black Nazarene.


“Nasaan na siya (Poong Nazareno)?” ang simulang pagbabahagi ng partner ni Elisse Joson sa inilagay niyang caption.

Baka Bet Mo: Mensahe ni Pangulong Bongbong sa mga deboto ng Itim na Nazareno: Faith can conquer looming storms

“Yan ang linya lagi para makita mo siya at nu’ng oras na nakita ko siya’t mahawakan ulit matapos ng maraming taon, wala ako masabi kundi ‘Salamat Poong Nazareno.’

“Tanging nasa isip ko lang nu’ng kaharap ko siya ang mga mahal ko sa buhay at ang pamilya ko,” ang mensahe pa ni McCoy.

Pagpapatuloy ng Kapamilya actor na napapanood din sa seryeng “Batang Quiapo”, “Sa mga kapatid ko na deboto saludo ako sa tindi ng pananampalataya niyo walang nagbabago. Viva Poong Nazareno!”

Marami rin ang natuwa at na-touch sa litratong ipinost ni McCoy sa IG kung saan kasama naman niya ang anak nila ni Elisse na si Felize na nakasuot din ng dilaw na t-shirt na may litrato ng Itim Na Nazareno.

Ayon sa mga netizens, napakagandang ehemplo ni McCoy sa kanyang anak dahil bata pa lang daw ay tinuturuan na niya itong magdasal at manampalataya sa Panginoong Diyos.

Noong huling pagsama ni McCoy sa Traslacion, three years ago ay talagang hindi rin niya ininda ang hirap at pagod na kanyang naranasan.


Ibinahagi rin niya sa Instagram ang close up photo ng paa niyang punumpuno ng dumi. Aniya sa caption, “Nakakatuwa yung mga taong nagpapaabot ng dasal sa para sa Poon.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega muling kinasuhan, mga deboto ng Itim na Nazareno naman ang naghain ng reklamo

“Kaya lalo akong naglakas ng loob tumuloy kahit alanganin na dahil wala akong kasama. Dalawang beses akong nahulog habang umaakyat sa Poon, hanggang sa huling sandali nakaharap ko uli sya.

“Ang tanging nagawa ko lang ay yumuko magpasalamat sa lahat. Nasabi ko na lang ‘ay maraming sa­lamat sa lahat lalo sa pamilya ko ikaw na po bahala lalo pag wala po ako. At sa mga taong nagpapaabot ng dasal sana madinggin mo po sila.’

“Sobrang saya sa pakiramdam ba na masilayan uli sya. Hindi talaga maiinda lahat ng sakit at pagod sa katawan. Kaya salamat din kina Melvin, Reyjohn at tutoy na tumulong sa akin umakyat kahit nakilala ko lang sa daan.

“Dito nagpapatunay na kahit hindi magkakadugo magkakaisa sa pananampalataya. Kahit hindi naman kami nag-abot na naman ng daddy ko masaya ako patuloy ang panata namin. Salamat daddy dahil ikaw ang nagpasimula nito sa akin.

“Yaan mo babawi po ako sa susunod magkasama na tayo uli. Para sayo naman po ang yung isang bimpo napunas ko sa kamay nya. #BlackNazarene,” ang kabuuang caption ng aktor sa kanyang IG post.

Read more...