Sunshine naloka nang talakan ni Direk Joel ang banong artista: Umuwi ka na!

Sunshine naloka nang talakan ni Direk Joel ang banong artista: Umuwi ka na!

Maricel Soriano at Sunshine Dizon

“HAPPINESS is always a choice.  Nandoon ako sa life ko na gusto ko sakto lang sa gitna, ayaw ko ng super-super saya.

“Kasi kapag super-super saya nabubulagan ka rin. Kalma lang,” ang sagot ng aktres na si Sunshine Dizon nang kumustahin siya ni Maricel Soriano.

Nakapanayam ng Diamond Star si Sunshine Dizon sa kanyang vlog na in-upload sa YouTube channel nitong Lunes ng gabi.

Nagkasama ang dalawang aktres sa umeereng TV series na “Pira-Pirasong Paraiso” sa Kapamilya Network kasama sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Loisa Andalio, Elisse Joson, Ronnie Alonte, KD Estrada, Snooky Serna, Joseph Marco at marami pang iba.

Gusto munang magpahinga ni Sunshine pero nang ialok sa kanya ang PPP (Pira-pirasong Paraiso), “Sa totoo lang ate di ba hindi ako nagtrabaho for a bit? Siguro I’m in my point of career na hindi naman sa pagbubuhat ng bangko na puwede na rin tayong pumili ng project (sinang-ayunan naman ni Maricel).

“Ngayon nu’ng dumating ‘yung PPP sabi ko (sa sarili), ‘wow napakaganda ng script na ‘to. Hindi ko makita na ibang artista ‘yung dapat na gumanap (sa karakter). Nakita ko ‘yung sarili ko na ‘dapat ako ‘to!’

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sumobra ang kapayatan ng mukha, anyare?

“Sayang kung palalampasin ko, so, finally sabi ko sa manager ko, ‘go ako dito,’” kuwento ni Shine kay Marya.

“So, ikaw ang nagsabi, that’s good! Kasi iba ‘yung gusto mo sa kailangan mo. Iba-ibang meaning sa gusto at kailangan mo, ito (PPP) gusto mong project,” diin ni Maricel.

“’Yeah that’s true! Saka ate maidagdag ko rin na marami rin kasi akong nababasa na from some people na hindi nila maintindihan na nag-freelance ako (walang exclusivity). Kasi di ba, may ibang pro sila sa isang network lang.

“Sabi ko nga when I turned 40 gusto ko namang maka-experience ng ibang direktor, ibang artista, ibang setting and I realized na siguro panahon na rin na ma-experience ko ‘yun ate.

“Actually, nag-start ‘yun ate nu’ng una kong tinanggap ‘yung Marry Me, Marry You (2022) na Dreamscape (Entertainment) kay Sir Deo (Endrinal) na ibang mundo at na-enjoy ko and in fact naging kaibigan ko si Ms. Cherry Pie Picache.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa yumaong ama: No matter how old I get, I will always be your little girl!

“Ang dami kong na-build the friendship ate. Tapos dito naman sa Pira-Pirasong Paraiso, di ba puro bagets naman (Gen Z actors,” mahabang tsika ni Sunshine.

Isa-isang inilarawan ni Shine ang Gen Z stars na kasama nila sa “PPP” kapag may mga eksena.

“Alam mo ate si Loisa, natutuwa ako sa kanya kasi she really takes time, kunyari break namin uupo ‘yan makikipagkuwentuhan sa amin o sa akin.

“Minsan magtatanong about the eksena tapos ang bilis ng pick-up, sabi ko sa kanya, ‘Nak, dagdagan mo pa ng ganito, dagdagan mo ng konting ganito.’ Alam mo nami-mix niya ‘yun during the scene sabi ko, ‘wow!’” sabi ni Shine.

Singit ni Maricel, “Ang galing ‘no? Ako rin nagagalingan sa kanila pero gusto kong marinig ‘yung sa ‘yo.”

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa 2 years na pamamahinga sa pag-arte: ‘To be honest, I wasn’t very sure kung babalik pa ako’

Tuloy ni Sunshine, “Tapos si Elisse naman, same thing. Pero si Elisse napansin ko kumakapit siya sa kaeksena niya. Sabi ko ibigay n’yo ‘yung eksakto ‘yung energy, ‘yung bato ng linya saka si Elisse ate hindi nahihiya ‘yan.

“Kakapit talaga ‘yan, yayakap sa akin (muwestra) yakap talaga. Binubulungan ko ‘yan na tungkol sa karakter niya na, ‘eto na anak nakuha mo na lahat tapos inaagaw na naman nila lahat sa ‘yo, tapos iiyak na.’

“Ang Charlie Dizon naman, maning-mani, sanay na parang beterana, ‘no?

“Si Alex (Alexa) ang napansin ko sa kanya she really takes time to read the script aralin niya ‘yung ganu’n (muwestra sa pagbabasa ng script), may ganu’n si Alex. Saka si Alex hindi po ‘yan nahihiyang magtanong. Kunwari, ‘direk may tanong po ako, ganito po, ganyan.’

“Sabi ko nga, napakasuwerte ng mga bagets ngayon na collaborative puwedeng magtanong, puwedeng mag-suggest. Di katulad ng panahon natin (natawang sabay ang dalawang aktres),” ani Shine.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon sa basher na pinagdiskitahan ang kanyang estafa case: ‘You don’t know the whole story’

Sabi ni Marya, “Na listen and do your work tapos ang kuwento.”

Dagdag ni Shine, “Kung hindi ka marunong umarte, jumuwi (showbiz lingo) ka na. Sabi nga ni direk Joel Lamangan, me naaalala ako ate, e, di ulit ng eksena at lumapit (sa isang artista), ‘umuwi ka na. hindi ito para sa ‘yo (mag-artista). Kung may nagsabi man sa ‘yo na ito’y para sa iyo, hindi totoo ‘yun.  Maghanap ka ng ibang (trabaho) para sa ‘yo.’

“Naloka ako! Doon ko lang na-realize ate na ‘ay kaya pala sumisigaw (direk Joel), kaya pala nagmumura, kaya pala pinipiga ka kasi may nakikita pa sa ‘yo.

“Hindi ka niya pagtitiyagaan kung wala na siyang makita sa ‘yo,” paglalarawan ni Shine sa naging direktor niya sa movie project na “Rainbow Sunset” noong 2018 for Metro Manila Film Festival kung saan nanalong Best Picture ito.

Tanda namin na inamin ni Shine noon na sa sobrang takot niya kay direk Joel ay kumuha siya ng crash course sa acting bago sinimulan ang “Rainbow Sunset” kung saan nanalong Best Director si Joel Lamangan na ang tawag ni Maricel ay “T’ya Loleng.”

Read more...