Jiro: Feeling ko kasi susuwertihin din ako kapag na-meet ko si Boss Toyo

Jiro: Feeling ko kasi susuwertihin din ako kapag na-meet ko si Boss Toyo

Jiro Manio at Boss Toyo

HINDI pinagsisisihan ng dating child star na si Jiro Manio ang pagbebenta sa kanyang Gawad Urian Best Actor trophy sa content creator na si Boss Toyo.

Talagang pinag-isipan naman daw niyang mabuti ang kanyang desisyon kaya no regrets ang drama niya ngayong wala na sa kanyang pangangalaga ang naturang tropeo.

Ang ipinagbiling trophy ni Jiro ay napanalunan niya sa award-winning classic movie na “Magnifico” na idinirek ni Maryo J. Delos Reyes.

Sey ng aktor, bukod sa talagang nangangailangan siya ng pera ay gusto rin niyang makita sa pinaplanong museum ni Boss Toyo kung saan nito idi-display ang lahat ng kanyang naipong memorabilia mila sa mga kilalang personalidad at celebrity.


“Sa totoo lang po kasi, kapag pinapanood ko ‘yung Pinoy Pawn Stars (vlog ni Boss Toyo) tumatak sa isip ko ‘yung Pinoy.

“Sabi ko, dito lang iyan sa Pilipinas, parang feeling ko susuwertihin din ako kapag na-meet ko si Boss Toyo kasi sikat nga siya, eh.

“Saka ‘yung narinig ko ‘yung balita na magtatayo siya ng museum, naisip ko, parang na-imagine ko, maraming mga artistang nagbebenta sa kanya, may mga memorabilia na ilalagay niya du’n lahat, mapapasama ako,” pahayag ni Jiro sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Netizens nanawagan kay Coco na kunin si Jiro Manio sa ‘Batang Quiapo’

Patuloy pa niya, “Kung makita ko ‘yung trophy ko, maaalala ko na ako ‘yung pinakamahusay na aktor na nagbenta kay Boss Toyo ng trophy at nilagay niya sa museo niya at lahat naging masaya.”

Ang unang asking price ng aktor sa kanyang trophy at P500,000 pero matapos ang naganap na tawaran sa pagitan nila ng vlogger-collector ay nauwi ang bayaran sa presyong P75,000.

“Medyo nakaka-stress, kasi pinilit ko ‘yung 500 (thousand) tapos bumaba ng 65, 50, naging 70, 75 thousand. Sabi ko boss sige na deal na, kaysa mawala pa. Saka blessed naman ako nu’ng araw na iyon kaya tinanggap ko na,” sabi pa ni Jiro.

Sa tanong kung bakit ang trophy niya mula sa Gawad Urian ang kanyang ibinenta, “Iyon ang napili ko kasi iba ‘yung dating niya sa mata ko, kasi para siyang kakaiba.


“Kasi kapag tinitingnan ko ‘yung mga trophy ko, ‘yung FAMAS ko dalawa, ‘yung MMFF ko isa, Star Awards ko dalawa. Siya na ‘yung napili ko e, ‘yung talagang puwede kong ibenta kay Boss Toyo,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Jiro Manio sa pagbenta ng Gawad Urian trophy: ‘Dala na rin ng hirap ng buhay’

Dugtong pa niya sa kontrobersyal na pagbebenta ng tropeo, “Siguro mahirap din pero dahil nga nauunawaan naman ako ng mga tao siguro kung bakit ko pinatago kay Boss Toyo ‘yung trophy.

“Siguro dala na rin ng hirap ng buhay, siguro maiintindihan ako ng mga tao na kailangan ko rin, may pangangailangan din ako,” ani Jiro kasabay ng pagsasabing ginamit niya ang pera sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon at iba pa nilang mga pangangailangan.

Tungkol naman sa kanyang personal life, “Masaya naman po ako sa araw-araw at nakakatulong po ako sa kanila at isa pa, iniintindi ko po yung self-recovery ko kasi saan man ako magpunta maari ba akong mapabisyo na naman o hindi. Ngayon stable muna ako sa family ko.

Kung matatandaan, taong 2015 nang muling umingay ang pangalan ni Jiro matapos mamataang palaboy-laboy sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ang isa sa mga tumulong noon sa kanya matapos maligaw ng landas at malulong sa bisyo ay ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

Read more...