John Lloyd best actor, LJ Reyes best actress sa 39th Gawad Urian | Bandera

John Lloyd best actor, LJ Reyes best actress sa 39th Gawad Urian

Djan Magbanua - June 23, 2016 - 11:56 PM

JOHN LLOYD CRUZ AT LJ REYES

JOHN LLOYD CRUZ AT LJ REYES

NI Djan Magbanua

WAGING best actor si John Lloyd Cruz (Honor Thy Father) at best actress si LJ Reyes (Anino Sa Likod Ng Buwan) sa 39th Gawad Urian awards night kamakalawa ng gabi na ginanap sa sa KIA Theater.

Pinakamaraming awards naman ang nakuha ng “Heneral Luna” kabilang na ang Best Sound, Best Editing, Best Production Design, Best Cinematography at Best Director.

Nakuha naman ng “Taklub” ang parangal bilang Best Picture habang Best supporting Actress naman si Anna Abad Santos ng “Apocalypse Child” at Best Supporting Actor si Bernardo Bernardo.

Pinarangalan bilang natatanging Gawad Urian ang batikang cinematographer na si Romy Vitug. Siya lang ang nasa history ng Gawad Urian na nanalong best cinematographer ng apat na sunod-sunod na taon.
Ang iba pang awards ay ang Best Music at Screenplay, Jake Abella at Robby Tantingco ng “ARI: My Life With A King” at Best Production Design, Ben Payumo ng Water Lemon.

 

Ngayon lang nakasampa si LJ Reyes sa entablado ng Urian para kunin ang kanyang parangal. Ikatlong award na ito ng Kapuso actress ngunit sa naunang dalawa ay palagi siyang nasa ibang bansa.

“Gusto ko talagang banggitin si Aki kaso naiiyak ako pag sinabi ko si Aki. Kanina kasi gusto niyang sumama kaso hindi pwede,” sabi ni LJ sa isang interview matapos ang awarding.

Wala raw kasing magbabantay sa anak niya kaya biro ng isang reporter sana pinabantay na lang niya ang ka-date niya that night, ang boyfriend niyang si Paolo Contis.

“Ha-hahaha! Ginawang yayo! Nakakahiya naman nagbihis pa tapos yayo lang,” natatawang sagot ng aktres.

Sa acceptance speech naman ni Lloydie ay nasabi nitong hindi siya naniniwala sa awards na ikina-shock naman ng audience. Pero paliwanag ni John Lloyd, “Hindi ako naniniwala sa awards. Pero naniniwala po ako that there is honor in hard work, patience, perseverance, and timing.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“In case you find my first sentence puzzling, I also came here tonight as an actor to give honor and celebrate my pure love for cinema. Mabuhay po kayong lahat,” dagdag pa ng best actor.
Isang maagang birthday gift na rin ito para kay Lloydie na nagse-celebrate ng kanyang kaarawan ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending