Ina ng anak ni Diego Loyzaga lumantad na, pinalayas daw sa bahay ng aktor

Ina ng anak ni Diego Loyzaga lumantad na, pinalayas daw sa bahay ng aktor

PHOTO: Instagram/@alexissuapengco

BIGLANG naglantad sa publiko ang rumored partner at ina ng anak ng aktor na si Diego Loyzaga!

Kumalat sa social media ang naging Instagram Stories ng nagngangalang Alexis Suapengco, isang yoga teacher at model na claiming na siya ang ina ng anak ng aktor na si Hailey.

Mababasa sa serye ng mga post na tila naglabas ng sama ng loob si Alexis.

Ayon kasi sa kanya, pinalayas sila ng kanyang baby sa bahay ng aktor para sa isang babae.

“SO MY BABY DADDY @diegoloyzaga decided to kick me out and his baby out of his house so this girl can come over [red heart emojis],” caption niya habang ibinabandera ang IG account ng sinasabi niyang babae na si Cecile Mendoza.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga hindi naniniwala sa kasal: ‘It’s a piece of paper for me…what do you get in the end?’

PHOTO: Instagram Stories/@alexissuapengco

Kasunod niyan, ipinakita ni Alexis ang pagbabanta sa kanya ni Diego.

Ang sabi raw sa kanya ng aktor, hindi na nito susustentuhan ang kanilang anak kapag hindi pa niya binura ang kanyang Instagram Stories.

“@diegoloyzaga said if I don’t take down the post, he won’t provide for my daughter daw [clapping hands emoji] ok boy bye,” sey niya.

Baka Bet Mo: Alden napatunayang marami pa ring tapat na Pinoy: ‘Mabuhay ka Kuya Alexis! Sana marami pang tao ang tumulad sa ‘yo!’

PHOTO: Instagram Stories/@alexissuapengco

Kung matatandaan, unang isinapubliko ni Diego ang pagkakaroon ng anak noong Hunyo.

Bago pa ang pa-reveal ng aktor ay ilang araw nang usap-usapan kung true nga ba na ganap na siyang ama.

Sa kabila ng rebelasyon ni Diego ay pinili nitong huwag munang magbahagi ng larawan ng anak maging ang detalye kung sino ang ina at kanyang partner.

Samantala, sa interview ng Philippine Daily Inquirer kay Cesar Montano, ama ng aktor, inamin nitong Hailey ang pangalan ng apo niya.

As of this writing, wala pang pahayag si Diego patungkol sa mga posts ng kanyang rumored partner na si Alexis.

Bukas naman ang BANDERA na makuha ang panig ng aktor tungkol sa kumakalat na isyu na ito.

Read more...