UMABOT na sa mahigit P800 million ang kinita ng 10 official entry sa ginagap ngayong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Iyan ang official announcement na naka-post sa Facebook account ng MMFF nitong Sabado, January 6, 2024, dalawang araw bago tuluyang magtapos ang festival.
Nakasaad dito ang pahayag ng mga organizers, “Palabas pa rin po sa mga sinehan sa BUONG BANSA ang 10 mmff movies hanggang January 07, 2024!
“Makisaya at makibahagi sa makasaysayang pagdiriwang ng Pelikulang Pilipino!”
Baka Bet Mo: Jeric Raval umabot sa 18 ang anak mula sa 6 na babae; pangarap maging rapper noon tulad ni Francis M
Makikita rin dito ang artcard kung saan mababasa ang kanilang pahayag na, “800 milyong pasasalamat plus pagkilala sa tagumpay ng bawa’t Pilipinong tumatangkilik sa mga pelikulang sariling atin!”
Nananatiling nasa Top 3 ng MMFF 2023 ang mga pelikulang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang “Mallari” ni Piolo Pascual at ang “GomBurZa” kung saan nanalong best actor si Cedrick Juan.
Baka Bet Mo: Baguhang singer Jemay Santiago dream come true ang pagpirma sa int’l record label: I’ve always wanted this!
Ang Best Picture naman na “Firefly” nina Alessandra de Rossi at Best Child Performer na si Euwenn Mikaell ay patuloy pa ring pinipilihan ngayon sa mga sinehan.
Naniniwala naman ang MMFF Spokesperson na si Noel Ferrer na maaabot ng festival ang P1 billion mark na kita.
“AT THE RATE WE ARE GOING, with the long lines in the theaters now, we might just hit the 1 BILLION MARK at the METRO MANILA FILM FESTIVAL’s end TOMORROW.
“Thank you to @cyruspanganiban for the photos in Trinoma now and Sir James Bartolome for the photos in Glorietta tonight!!!
“Post your photos in the cinemas if you can at ipost niyo na rin ang inyong Kuwentong MMFF!!! MARAMING MARAMING SALAMAT!!! #49thMMFF #MabuhayAngPelikulangFilipino,” aniya sa kanyang FB post kahapon.