TULO nang tulo ang luha ng Kapuso sexy actress na si Claire Castro habang nagkukuwento tungkol sa nararanasang pambu-bully sa social media.
Hindi napigilan ng dalaga ang maging emosyonal nang mapag-usapan ang pambabastos at pangnenega sa kanya ng ilang online bashers, kabilang na riyan ang body shaming.
Ngunit sey ni Claire, natutunan na rin niyang mas mahalin ang kanyang sarili at dedmahin ang natatanggap na pamba-bash at pambu-bully ng mga netizens.
Sa guesting ni Claire sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, January 5, isa sa mga natanong sa kanya ay, “How difficult is it to be sexy?”
“To be honest po, I really don’t consider myself sexy,” sagot ni Claire na hindi na napigilan ang mapaiyak.
Baka Bet Mo: Gina nag-sorry kay Claire sa sobrang lakas ng sampal: OK lang po, isang karangalan!
Dugtong pa ng isa sa cast members ng latest Kapuso series na “Makiling”, “Because of the cyberbullies, sometimes I really doubt, ‘Sexy ba ako?’ ‘Kaya ko ba ito?’ ‘Kaya ko bang umarte?'”
Sabi ni Claire, palagi raw siyang sinasabihan ng mga kasamahan niya sa “Makiling” na huwag nang magbasa at dedmahin na lang ang mga masasama at kanegahang pino-post ng mga haters.
“That’s what she (Myrtle Sarrosa) always tells me, sina Royce (Cabrera), sina Tun (Kristoffer Martin), ‘Bakit ka nagbabasa ng comments?’ So I really have to lessen it because I feel like I care too much about what other people think.
“I see other people, ‘Bakit sila wala silang basher? Bakit ako lang lagi?’ ‘Yun po ang naiisip ko,” chika pa ni Claire na anak ng 90s stars na sina Raven Villanueva at Diego Castro.
Ang advice naman naman ni Tito Boy kay Claire at sa iba pang biktima ng bully ay never magpaapekto sa pamba-bash ng mga netizens.
“You have to change that, lahat may bashers. Sorry to have asked that.
“My intent was, even being sexy is not easy. I would just like to say, do not be defined by what other people say. Ang tao, laging may masasabi tungkol sa ‘yo.
“But I think you have to go back to your core, ‘Who am I? Who do I love? Who do I like?’ Do not define yourself by the noise,” pahayag ng King Of Talk.
Samantala, sa parehong episode ng “Fast Talk” ni Tito Boy, inamin din ni Myrtle ang na-experience niyang pamba-bash mula sa mga netizens.
Baka Bet Mo: Myrtle Sarrosa biktima rin ng pambu-bully; malaki ang utang na loob sa ‘anime’
“Recently din I experienced a very heavy weight of bashing din, it was because of an event na na-criticize ako for one of the dresses that I wore,” sey ni Myrtle na isa rin sa mga gaganap na kontrabida sa “Makiling.”
“Sabi ko talaga sa kanila, sometimes you have to just not listen to all the noise. At the end of the day, you do the things that you do dahil passionate ka and hindi naman dahil you’re trying to impress other people,” chika pa ni Myrtle sa naturang panayam.
Ang “Makiling” ay pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio kung saan kasama rin sina Teejay Marquez, Thea Tolentino, Lotlot de Leon, Andrea del Rosario, Cris Villanueva, Bernadette Allyson, at marami pang iba.